• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada reveals talking to Kathryn Bernardo & apologizing on behalf of her son Daniel Padilla

Karla Estrada reveals talking to Kathryn Bernardo & apologizing on behalf of her son Daniel Padilla

Karla defends son Daniel and advises him to tell the truth.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/27/2014 11:51 AM
Karla Estrada reveals talking to Kathryn Bernardo & apologizing on behalf of her son Daniel Padilla


092714-karal_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ipinakita ni Karla Estrada kung gaano siya ka-fierce magmahal at magtanggol sa kanyang anak na si Daniel "DJ" Padilla.
 
Binigyang linaw ni Karla ang kamakailan lang audio scandal na kinasangkutan ni Daniel. Ayon kay Karla, hindi ni Daniel close friend ang nag-record ng naturang audio scandal, ngunit kaibigan ito ni Daniel noong nakatira pa sila sa Mandaluyong. Hindi raw ma-imagine ni Karla na nagpapasok sila sa kanilang bahay ng isang tao na maninira ng kanyang anak.  Tinawag pa niya itong "kampon ng kadiliman" sa kanyang Facebook post.
 
Hindi kinonfront ni Daniel ang nasabing "kaibigan" na limang taon ang tanda sa kanya, at minabuti ni Karla na wag na rin harapin ang lalaki dahil "baka ako maging octopus."
 
Natukoy diumano nila Karla na ito ang nagrecord dahil ito lang ang may hawak ng cellphone habang nag-uusap ang magkakaibigan. Itinatanggi nito na siya ang nag-record at ang rason daw nito ay, "may something sa telepono niya na biglang nag-upload yun."
 
Ayaw na raw ni Daniel ipaglaban pa ang nangyari at rerespetuhin diumano ni Karla ang kagustuhan ni Daniel ngayon, ngunit ayon kay Karla, "sa susunod na mangyari ito hindi ko na siya pakikinggan." Ayon pa raw Daniel,"kung kailangan kong matuto sa ganitong paraan ma, inaamin ko natuto ako." Pinuri rin ng host na si Boy Abunda si Daniel sapagka't ang pangyayari ay tinuring nitong isang "opportunity to learn."
 
Ano naman kaya ang naging hakbang ni Karla matapos pumutok ang audio scandal? Ayon kay Karla, kinausap niya kaagad ang Mom ni Kathryn Bernardo na si Tita Min at humingi siya ng paumanhin sa nagawa ng anak niya. Nang gabi ring iyon, sumagsag siya kahit na may bagyo at pumunta sa bahay nila Kathryn upang makausap ito. Sinabi ni Karla na ginawa niya ito dahil mahal niya si Kathryn at ang Mom nito. Sinabi raw niya kay Kathryn na, "anak alam ko na merong puwang sa puso mo na kilala mo ang tunay na pagkatao ng anak ko.Tahimik lang raw si Kathryn, pero pareho silang nagpipigil ng emosyon."
 
Bilang ina naman, inassure ni Karla si Daniel na nasa tabi siya nito sa paglaban sa pagsubok na pinagdadaanan nila. Pinayuhan niya rin si Daniel na harapin ang katotohanan at magpakatotoo ito. Payo ni Karla kay Daniel, "di ka magiing masaya kapag tinago mo ito."
 
Dagdag pa ni Karla, "I'm so proud of DJ dahil hinarap niya ang pagkakamali niya." Mensahe niya sa anak na, "hindi lahat ng nakangiti sayo ay gusto ka. Sa estado ng buhay mo ngayon, mas maraming gusto kang sirain. Masakit pero yan ang katotohanan anak." Mensahe pa ni Karla kay DJ ay, "maulit man ang buhay ko ay ikaw pa rin ang hihilingin kong maging panganay na anak." Kahit diumano nagdaaan ang pagsubok na ito sa kanila ay nagpapasalamat pa rin sila dahil ito lang ang nangyari.