• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: ‘Pinaghahandaan ko yun’

Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: ‘Pinaghahandaan ko yun’

Zanjoe Marudo says he is not one to be join the wedding proposal bandwagon.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/26/2014 10:53 AM
Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: ‘Pinaghahandaan ko yun’


092614-zanjoe_main.jpgAfter doing My Illegal Wife earlier this year, Zanjoe admits he is lucky to have another movie project so soon. “Very blessed ako kasi 20th anniversary ng Star Cinema gumagawa ako ng maraming pelikula. Napaka-suwerte ko kasi hindi lahat naibigyan ng ganitong pagkakataon kaya nagpapasalamat ako sa Star Cinema at Skylight films sa tiwala. Nung pinitch sa akin yung storya, nag-yes na kaagad ako at pumayag na ako gawin yung pelikula,” he said.

In the horror movie Maria Leonora Teresa, he plays a gay teacher who has been raising his only daughter Leonora as a single parent. “Yung character ko kasi na si Julio kumbaga siya ay bading talaga pero dahil teacher siya sa mga bata siyempre hindi niya puwede ipakita yun. Kumbaga bawal, parang ganun, discreet siya. Ilang beses na yung ginawa kong roles na gay pero ito po yung unang beses na gaganap akong gay bilang magulang. So hindi ko pa nararanasan yung pagganap bilang bading at isang magulang. Humingi ako ng guidance siyempre kay direk Wenn (Deramas), siya nag-ga-guide sa akin sa bawat scene kung paano ko gagawin, he admitted.

Even though he has yet to become a parent himself, Zanjoe said he is used to playing father roles after doing the teleserye Annaliza. The 32-year-old actor said he had to change his mindset when accepting these kinds of roles. “Naging problema ko din yan dati nung nagka-role din ako ng tatay. May pamangkin din akong bata kaya hindi naging mahirap sa akin mag-adjust kung ano man yung pagiging parent sa isang bata kahit wala pa naman akong anak sa totoong buhay. Siguro suwerte lang ako na pag may katrabaho akong batamalapit sila sa akin talaga. Kumbaga nagiging close agad so yung relationship mabilis nabubuo. Ang pinaka-naging chalenge sa akin dito hindi yung pagiging tatay eh, yung pagiging tatay na nanay. Kasi yung role ko closet gay. Kaya iba ako pag nagugulat ako dito, tumitili (laughs),” he shared.

Working for the first time in a movie project with Maria Leonora Teresa co-stars Jodi Sta. Maria and Iza Calzado was also a good experience for Zanjoe, as well as working with his Bromance: My Brother's Romance director Wenn Deramas. “Sa pelikula first time kami nagkasama-sama tatlo. Masaya sila katrabaho, mabait sila. Madalas ko katrabaho si direk Wenn sa comedy kasi lagi kaming magkasama sa comedy. Ngayon lang kam nagkasama sa isang horror. Inasa ko na sa kanya lahat ng mga eksena ko eh, kumbaga, 'Ikaw na bahala direk.' So nasa kanya na kung paano ko dadalhin yung isang eksena. Masaya, sobrang saya,” he said.


092614-zanjoe_main.jpgIn the film, Zanjoe loses his daughter in a tragic accident, but in real life he says he has learned how to deal with death of a loved one and accepting things. “Nung nawala sa akin yung lolo ko, siyempre hindi naman kailangan ng kapalit pero siguro dahil buong buhay dun sa time na nagsama kami ng lolo talagang masaya at sa tingin ko naman tama naman yung time na yun kasi lahat naman tayo ay papunta dun kaya hindi naman ako nabitin or nagsisisi na nawala siya. 90-plus na siya nun. Pero siyempre, baliktad dun sa character namin sa pelikula, siguro kaya ganito yung mga characters kasi nabigla sila, marami pa silang pangarap para sa mga anak nila at maiksi pa ang yung time na magkasama sila kaya hindi nila matanggap na nawala na yung mga bata kaya tinanggap nila yung mga manika kahit papaano. Hindi rin nila alam kung paano pa sila liligaya, so temporarily papalitan yung pagkawala,” he explained.

After the wedding proposal mania in showbiz started with Dingdong Dantes and Senator Chiz Escudero popping the question to their longtime celebrity girlfriends, many wonder when Zanjoe and Bea Alonzo will finally walk down the aisle? Zanjoe said everything has its own timing and he will not joining the bandwagon just because it seems like the popular thing to do right now. “Ayun nga po usong uso nga po kaya nakiuso kami sa ice bucket challenge (laughs). Dinadahan-dahan ko po yung mga ganyang bagay dahil alam ko naman na espesyal yung mga ganung bagay at siyempre ganun kadali, hindi naman porke't may gumagawa ay kailangan kahit hindi pa ready ay makisali na rin ako. Siguro pagdating ng tamang panahon, uso man siya o hindi, mangyayari at mangyayari yun. Pinaghahandaan ko po yun,” he said.