TV host, malaya na sa kanyang ex?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/26/2014 5:32 PM
TV host, malaya na sa kanyang ex?


092614-joyful.jpg
After so many years of waiting for an annulment grant, finally ay pumabor na rin sa TV host ang kanyang pinakamimithing dasal na maging malaya na sa dating asawang ang iniwan lang naman sa kanya ay ang itinuturing nitong pinakamagandang alaala: ang kanilang kaisa-isang anak.

At eto nga,  malapit nang ikasal muli sa ama ng kanyang maliliit na anak at kinakasamang isang napakabuting tao.  Yes,  malapit na malapit na.  Invited nga ako, actually.  Pero gusto yatang sorpresahin ni TV host ang lahat, kaya ayaw muna niyang ipabigay ang lahat ng detalye.

Basta mababalitaan na lang natin ito siguro by next week kaya abangan natin.  

In fairness, ang panganay niyang anak ay super close sa stepdad nito.  Napakabait naman kasi nito, responsable at mapagmahal na asawa at ama, kaya wala nang mahihiling pa ang female host, kung 'di ang ma-i-kasal sila at 'yan na nga ang mangyayari this year. 

Kaya sobrang happy ako for the couple. Personally, kilala ko rin ang guy na guwapo at mahusay makipagkapwa-tao.

Basta I love this couple and their kids. Hindi na muna ako magbibigay ng clues, dahil araw-araw n'yo naman siyang nakikita eh.