Rico Blanco: ‘I am open to a Rivermaya reunion’

Rico Blanco isn’t afraid that a Rivermaya reunion might affect him as a solo artist.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/27/2014 2:11 AM
Rico Blanco: ‘I am open to a Rivermaya reunion’


092714-rico_main.jpgIsa ang bandang Rivermaya na bumago sa musikang Pilipino. Nabuo noong taong 1994, kasama pa ang orihinal na mga miyembro nito na si Bamboo Mañalac, na ngayo’y coach nang katatapos lang na ‘The Voice Kids’ at si Rico Blanco. Tumatak na ang musika ng bandang ito kahit na ang dalawa sa kanila ay nagkaroon na ng sari-sariling mga karera at ang banda ay nanatili pa rin kahit na nagpapalit-palit na rin ng miyembro.

Si Rico ay pumasok na rin sa pag-arte at nagging parte siya ng seryeng Imortal kasama si Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Pagkatapos nito ay nasundan pa ito ng ibang teleserye sa ABS-CBN habang patuloy pa rin siya sa kanyang karera sa musika bilang solo artist.

Noon sa mga panayam ni Rico, kapag naitatanong kung possible pa bang magakaroon kahit na sa isang reunion concert, lagi nitong sinasabi na hindi niya nais pa na magkaroon pa ng reunion o magkasama-sama pa sila. Ngunit nang makapanayam ng Push si Rico sa isang product launch kamakailan, naging bukas na siya sa posibilidad na tumugtug kasama ang dati niyang mga kabanda. “I think, it has always been a question for us eh, where as at the start of my solo music career I always said no because I wanted to focus on new work, gusto ko umandar, gumawa ng bago but now I am a little more relaxed, a little more open to the idea of Rivermaya. I don’t think it will affect my career as a solo artist because my fans have been so kind enough to embrace my new music and every time I come up of something they always appreciate it so yung fear ko na hindi maappreciate yun, I have gotten over that so yeah, I am open to a Rivermaya reunion.

At sa kanyang dahilan kung bakit nagbago ang kanyang pananaw tungkol sa pagkakaroon ng reunion, “It’s just the fact na I think I realized it’s a different market. People asking for a reunion is a different market and it’s not going to affect my audience, my core audience nowadays who wanted new music for me. I think having a reunion concert with Rivermaya has always been a step backwards parang I am moving forward and it’s a step backward, no. Nowadays I realized it’s just a different market who want to be nostalgic.”

Ngunit hindi ibig sabihin ito na magbabalik siya sa banda ng permanente at hindi na magpapatuloy sa pagiging solo artist. “I guess we can give them a night or two to relive the glory days but that should not stop me to enjoy doing what I am doing which is creating new music and giving fans what they like, new material and I have shows, I play my old songs but its really the new songs they want.” 

Hindi alam ni Rico kung alam na ba ng kanyang mga dating kabanda ang pagbabago ng kanyang desisyon tungkol dito. “I don’t know and everything’s good. I am open with the boys and it’s a matter of someone… you know producers have been approaching me for years na about a reunion concert but no one has really been serious, you know. May black and white, may details.

Sa ngayon ay mas bukas na nga si Rico at muling inulit ang kanyang kagustuhan na kung sakaling magkaroon ng pagkakataon ay papayag siya. “Yeah, I am open.”