• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales, botong-boto sa KathNiel para sa umano’y remake ng Pangako Sa’Yo!

Jericho Rosales, botong-boto sa KathNiel para sa umano’y remake ng Pangako Sa’Yo!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

9/26/2014 6:42 PM
Jericho Rosales, botong-boto sa KathNiel para sa umano’y remake ng Pangako Sa’Yo!


092614-echo.jpgMaugong ang balita ngayon na magkakaroon ng remake, ang super hit teleserye ng ABS-CBN 15 years ago na “Pangako Sa’yo.” At iisa lang naman ang tandem na sinasabing gaganap na Angelo Buenavista at Yna Macaspac, roles na ginampanan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, at yan ay walang iba kundi ang KathNiel – Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Sa isang event ay na-interview si Jericho at natutuwa ang aktor sa balitang remake ng kanilang serye.

“I feel proud na, wow gagawin nila yung remake ng Pangako Sa’yo, and I really, really hope and I know na maganda naman talaga gumawa ang ABS so after 15 years… more than a decade parang gagawin nila yung bago, siguro yun pa rin yung plot pero yung twist… and I’m sure si Daniel ito diba?,” sabi ng aktor.

Pabor na pabor naman si Echo, kung sakali ngang ang KathNiel ang gaganap sa ginampanan nilang papel noon.

“Well if they are getting Daniel and Kathryn, ang lakas ng tandem na iyon ‘di ba and ang lakas ng chemistry na iyon… Ang isa sa lakas ng Pangako Sa’yo was the chemistry between Angelo and Yna, their love story and buhay na buhay na yun sa love team nina Daniel and Kathryn di ba?”

Tungkol naman sa isa pang balita, na magkakaroon din siya ng role sa remake umano ng nasabing serye, ito lang ang pahayag ni Echo.

“They asked me to play a part, a role and parang better siguro na parang feeling ko hindi bagay sa akin yung role eh. I mean I was a part of Pangako Sa’yo for 3 years and gusto ko panoorin ‘di ba, ayoko panoorin yung sarili ko na. I mean gusto ko panoorin ngayon kung paano siya and it’s an honor para sa akin,” pagtatapos ng aktor.

Kayo ano ang masasabi niyo sa balitang ito? Kung sakali mang tuloy na tuloy na nga ang remake, sino ang gusto niyong maging Amor Powers at Madam Claudia? Post na your choices ng mga makakasama ng KathNiel kung sakali, at malay niyo dinggin din ang gusto niyo di ba? Go comment na!