Direk Wenn said he got the name from a popular doll in showbiz three decades ago. “Maganda yung timing na nung ginawa namin yung kuwento tungkol sa manika at sa history ng pelikula at ng telebisyon at ng ating industriya, walang pinakasikat na manika kung hindi si Maria Leonora Teresa na binigay ni Pip kay Ate Guy nung ‘70s. Malamang yun ang naisip ni tita Malou Santos kaya yun ang binigay niyang title sa pelikulang ito na nagkataon naman na kuwento ng tatlong bata. Dito nakapaloob yung horror dun sa drama. Habang umiiyak ka natatakot ka, ganun yung pelikula. So parang magkahalo ito, magka-mix talaga, magkadugtong siya,” he said.
Being a big fan of horror movies proved to be an advantage to making the movie according tot he 46-year-old filmmaker. “Malaking bagay sa akin na ako mismo fan ng horror. Lahat ng collection ko ng pelikula, ang pinakapaborito kong pelikula horror lagi. At kapag may pelikula na nakakatakot, maganda man or hindi, nakakatakot man talaga o hindi, tinatanggap ko. Kaya dun rin siguro dun din nagsimula na gusto ko gumawa ng sarili ko. Nakakapagod dahil dun sa detalye, hindi biro gumawa ng horror kapag may na-miss kang detalye hindi nakaka-push ng takot. May ma-miss ka lang, kunyari may papatayin or tatakutin ka or may lalabas na yung mga konting hawak na ganyan, konting baba ng isang trap, ganyan, konting tingin, yung detalye ng kung saan pupunta yung mata na yan, yung shadow na kailangan na kailangan i-create, yung ilaw kailangan pag-aaralan mo eh. Kami nga dito kapag pinapaarte ko sila, meron kaming music, yung makadagdag dun sa kaba nila. Kunyari dun sa takbuhan or kung ano mang horror na ginagawa namin, para makadagdag dun sa artista, bukod sa kanilang galing, kumbaga kung nagpapa-arte ako ng drama na may malungkot na music, kumuha rin ako ng mga pang-horror na music para makatulong sa kanila,” he explained.
When asked what he considers to be the biggest challenge in doing Maria Leonora Teresa, direk Wenn said it was not as tedious as doing a horror series. “Siguro mas tama sabihin na mas na-challenge ako kasi nakagawa na ako ng isang buong serye na horror yung Maligno ni Claudine Barretto. So kumabaga nakapag-practice na ako doon at may mga MMK din akong ginawa na horror so yung pelikula na unang beses kong nagawa, malaki yung adjustment pagdating sa mismong pagtratrabaho kasi ibang-iba kapag comedy ang light lahat kailangan masaya kayo, maagang natatapos. Hindi ka puwedeng nag-ko-comedy ng puyat. Dito naman, hinihintay mo yung putok araw dahil may mga eksenang puro gabi, kailangan gabi tapos yung mga exterior namin gabi din. Doon lang nagbabago ng husto. Doon ko lang natuklasan na maligno pala ako sa gabi, tinutubuan ako ng pakpak at sungay (laughs). Pero pagdating kasi sa kuwento, ang base ko pa rin talaga kasi drama so yung horror sa akin dito ay nakapaloob lamang sa drama na ikinukuwento ko (laughs),” he admitted.
Even though Judy Ann Santos reportedly turned down being part of the project (which stars Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, and Zanjoe Marudo), direk Wenn said he never took it personally. “Kahit kelan hindi namin napag-usapan ni Juday yung tungkol dito. Kahit yung negotiation niya with Star Cinema labas ako dun, ni hindi namin napag-usapan at napag-kuwentuhan. It's between Judy Ann and Star Cinema. Tapos nung hindi siya natuloy sa pelikula ni hindi rin namin pinag-usapan, basta lagi na lang siya nagpapadala ng bulaklak sa akin at saka mga pagkain. Hindi na namin pinag-usapan kasi bilang tunay na magkaibigan, nagkakaintindihan kami kung ano man yun. Magkakasama ulit kami. Malapit na,” he added.