Darren Espanto talks about his first major concert

Darren Espanto says that if he had his way, he would have wanted his fellow The Voice Kids finalists with him at his concert.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/26/2014 11:00 AM
Darren Espanto talks about his first major concert


092614-darren_main.jpgHindi man nakuha ang titulo bilang The Voice of the Philippines Kids Grand Champion, si Darren Espanto naman ang mauunang magkaroon ng isang solo concert sa Music Museum sa October 4. Sa ekslusibong panayam ng Push tungkol sa kanyang nalalapit na concert, aniya, “I feel very grateful po to have this opportunity and it’s so cool kasi first major solo concert ko po ito.” Aniya, hindi niya rin inasahan na magkakaroon na rin siya agad ng isang solo concert. “Well some people want to produce a concert for me. Recently ko lang din po nalaman na gagawa ako ng solo concert.” 

Hindi maalis na maraming magkukwestiyon at magtatanong sa dahilan kung bakit siya ang mauunang magkaroon ng major solo concert at kung kasama niya ba dito ang kapawa The Voice Kids Top 4 contestants na sina Lyca Gairanod na The Voice Kids Champion, Darlene Vibares at Juan Karlos Labajo. “Well I really wanted to have JK, Darlene, Lyca in my concert pero yung producers ang kumuha ng mga guests, pero I wish they were also part of it.” 

Bilang unang concert niya ito, ikwinento niya kung ano ang mga presparasyong kanyang ginagawa para dito. “We are doing a lot of rehearsals po and memorizing din po because we are trying not to use prompter.”

Aminado si Darren na kinakabahan siya para sa kanyang concert lalo pa at siya lang at una niya pa ito. “A bit excited but also nervous but more of excited po.” 

Maraming mga tagahanga si Darren na gustong malaman kung ano ba ang kakaibang makikita sa kanya sa concert na ito lalo pa at hindi naman maikakaila ang galing niya sa pagbirit ng mga matataas na kanta. “Mas higit pa po sa nakita nila sa TV, total performer po at mageenjoy lang po tayo dito.

Kaya naman nang magkabiruan kung ngayon ba ay mapapanood naman siyang sumasayaw, “Yes po, abangan niyo rin po yan.”