Gwapong Aktor tatakbo sa pagka-senador?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/25/2014 1:35 PM
Gwapong Aktor tatakbo sa pagka-senador?


092514-ogie_main.jpg
Noon pa ay nababalita na ang isang gwapong aktor ay papalaot sa politics sa 2016, kaya naman pilit nitong tinapos ang kanyang college degree at heto't naatasan pa siya ng gobyerno na mamuno sa isang pangkabataang gawain.

Ang una kong narinig ay tatakbo itong Congressman pero sa ilalim ng isang itinataguyod niyang party-list.

Pero ang huli kong narinig ay hindi na congressman, kung 'di isang senador na ang kanyang tatahakin.  

Pag nalaman n'yo kung sino ang bagets na ito ay sasabihin n'yong, "Ba't hindi muna siya tumakbong kagawad sa barangay o kahit barangay captain o kaya ay mag-konsehal muna siya sa kanilang lungsod para magkaroon siya ng idea kung gaano kahirap ang gusto niyang pasukin?"

Juice ko, nasa edad ba 'yan?  O nasa sinseridad ng paglilingkod?
    
Eh, 'yun ngang nagsisitanda na sa pulitika at sa pwesto eh ginawa nang hanapbuhay ang pulitika at sila pa mismo ang nasasangkot sa malalaking corruption, so hindi isyu dito ang edad, 'no!

Para sa akin, keri niyang maging senador, dahil matalino naman ito,  matinong tao, guwapo pa.  

Kaya oras na tumakbo siya ay tiyak na "matunog na matunog" ang kanyang pangalan.