James Reid denies courting Andi Eigenmann

James Reid says it’s his friend who is courting Andi Eigenmann.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/23/2014 11:21 AM
James Reid denies courting Andi Eigenmann


092314-james_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, usap-usapan kung may relasyon nga ba si James Reid at si Andi Eigenmann dahil sa sunod-sunod na paglabas ng kanilang mga pictures na magkasama.

Sinabi naman ni James na, “It is actually my friend who is dating Andi.” Hindi man niya pinangalanan, bulung-bulungan na si Bret Jackson na kasama niya sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 ang tinutukoy ni James na nanliligaw kay Andi.

Sinabi rin ng host na si Kris Aquino na sa mga nakita niyang pictures ay naniniwala siya na barkada lang si James at Andi. Ayon rin sa research ng host na si Boy Abunda, nagsasabi raw ng totoo si James na magkaibigan lang sila ni Andi.

Isang palaisipan rin kung isa itong “rebound romance” sa parte ni Andi.  Ayon sa ulat, naunsiyami ang pagkakaayos ni Jake Ejercito at Andi matapos maglabasan ang balita tungkol sa paglabas nila ni James at ng kaibigan nito. Isang pruweba nito ang pagkakabura ng mga sweet tweets ni Jake para kay Andi.

Ayon kay Kris, ang pagbura ng mga tweets ni Jake ay pwedeng dalawa ang ibig sabihin, “it’s either I’m giving you space now, or let’s keep it on the down low para tayo na lang ang may alam.”