Atty. Alma Mallonga is worried for Vhong Navarro

Atty. Alma Mallonga says she is worried because Vhong Navarro is ‘entertaining doubts’ about the justice system.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/24/2014 7:00 AM
Atty. Alma Mallonga is worried for Vhong Navarro


092414-mallonga_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagbigay ng pahayag ang abogado ng comedian-actor na si Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga tungkol sa mga latest na kaganapan kaugnay sa kasong Serious Illegal Detention ng kampo nila laban kay Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz at iba pang mga kasama nito. Matatandaan na nag-file sila Atty. Mallonga ng mosyon para tanggalin na sa kaso si Judge Paz Esperanza Cortes matapos nitong payagan mag-post ng bail si Lee, Cornejo at Raz noong nakaraang linggo. Kanina naman, Sept 23, kusa ng bumitaw sa kaso si Judge Cortes dahil ayaw nitong makwestiyon ang kanyang credibility sa paghawak ng kaso.

Inamin ni Atty. Mallonga na ang motion to inhibit ay may kinalaman sa “loss of confidence” ng kampo nila kay Judge Cortes.

Napag-alaman naman through research ng naturang programa na si Judge Cortes ay may magandang reputation at diumano hindi ito tumatanggap ng allowance mula sa local government unit. Ayon naman kay Atty. Mallonga, wala naman silang problema doon at ang ginagawa nila ay hindi naman paninira kay Judge Cortes. 

Iginiit ni Atty. Mallonga na legal ang grounds nila kung kaya nagfile sila ng motion to inhibit. Isa diumano sa hindi maintindihan ng kampo nila ay kung bakit kinukwestiyon ang illegality ng detention na nangyari kay Vhong nang gabing nabugbog ito ng kampo nila Lee. Ang pagtali daw at pagbugbog kay Vhong ay malinaw na kaso ng Serious Illegal Detention. Malinaw rin diumano na, “There was no rape wherein you could anchor a legal citizens’ arrest.”

Ayon kay Atty. Mallonga, nag-aalala siya para kay Vhong kasi nagkakaroon ito ng doubts sa justice system ng bansa. Dahil dito, pinayuhan niya ang comedian-host na, “never doubt that you did the right thing.” Pagtatapos ni Atty. Mallonga ay, “manalig tayo sa proseso.”