Dating sexy actress, laging laman ng presinto?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/20/2014 8:48 AM
Dating sexy actress, laging laman ng presinto?


092014_ogie.jpgIlang beses na palang nakikitang "pumapasyal" sa isang presinto sa Quezon City ang isang dating sexy actress.  Dati ay sexy, pero ngayon ay napabayaan na ang katawan.  Pero magpalit man ang hugis ng katawan nito at tumaba man ang pagmumukha ay lutang pa rin ang kanyang ganda.

Pero ba't nga ba siya laging "bumibisita" sa presinto?  Meron ba siyang friend na nakakulong doon at dinadalaw?  May inaayos o inaareglong kaso sa mga kapulisan o meron siyang dyowang pulis na dinadalaw?

Well, wala doon ang tamang sagot.  Dahil may nakausap kami na doon mismo kumukuha sa presinto ang Sexy Actress. 

Kumukuha ng ano?  Kumukuha ng "bato."  Hindi na alam ng source ko kung may bayaran bang nagaganap o kung totoo ang nababalitaan nitong "nagpapa-booking" ang Sexy Actress kapalit ng "bato."

Ow!  Sana nga hindi ito totoo, dahil ang alam ng lahat, masyado niyang ipinu-push ang pagiging dakilang ina niya kahit siya ay wala masyadong gawa o nganga sa trabaho.

Isa pa ngang isyu ay kinamatayan na ng isang may-edad nang lalake ang paghihintay sa Sexy Actress na maisoli ang limang relong Rolex nito na hiniram niya na deadma lang siya. Na kaya daw pala deadma ay naibenta na ang mga relo sa murang halaga, dahil sa "bisyo" ni Aktres.

Honestly, hinayang na hinayang ako sa babaing ito na napakahusay pa namang umarte, pero mula nang magkaproblema sa career ay nagkawindang-windang na ang buhay at ang pamilya, kaya naman kahit ano pang dakdak nito sa media sa "sama ng loob" sa ilang artista o sa showbiz ay hindi na siya masyadong pinapansin at sineseryoso.

Ang laging tanong ng ilang taga-media, "Ano na naman kaya ang tinira ng lola n'yo?"

Ewan ko.  Basta ipag-pray na lang natin si Lola na malampasan niyang lahat ang tukso at pagsubok na dumarating sa buhay niya.  After all, fighter at survivor naman talaga ang drama niya sa buhay. At higit sa lahat, "walang pakialam kung may career man siya o wala."