Devon Seron happy for James Reid

Devon Seron says that although her team-up with James Reid did not last, everything is okay with them.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/19/2014 10:53 AM
Devon Seron happy for James Reid


052214-Devon_main.jpgSa pagbabalik ni James Reid sa ABS-CBN, hindi na naiwasan pang matanong ang dating ka-love team ni James na si Devon Seron sa kung ano ang pakiramdam niya na nagbabalik ang dati niyang kasama sa Pinoy Big Brother House Teen Clash Edition. “Siyempre happy ako kasi ‘di ba parang magkakakitaan na kami. Kasi sobrang matagal na kami hindi nagkikita kasi busy kami sa kanya-kanyang work and reunion na din namin yun.”

Ngunit hanggang sa ngayon hindi pa rin nagkikita ang dalawa simula nang pumirma ng kontrata si James sa ABS-CBN. “Yung last pa namin ay yung opening ng last na PBB sa ASAP.”

Inilarawan din ni Devon na ibang-iba na ang dating kapareha kumpara noong sila pa ang magkasama. “Hunk na hunk. Siyempre happy ako sa kanya kasi yung health niya ‘di ba? Kasi masyado siyang masakitin noon ang ngayon sobrang maalagain na siya sa sarili niya and marami siyang na-achieve this year.”

Noon ay ang tambalang James-Devon o JaEvon ang isa sa sinusundan ng lahat, lalo pa nang makalabas na sila ng Pinoy Big Brother House. Ngayong naipareha na si James kay Nadine Lustre, natanong na din si Devon sa pakiramdam niya tungkol dito. “Well they complement each other talaga, morena at kano. May chemistry naman talaga, nakikita ko sila onscreen. I am so happy for them.”

Kaya naman ng matanong ng isang reporter na dati din naman ay ganun din sila, ang kanyang naging sagot, “Oo nga eh, sayang talaga pero ganun talaga eh, but we’ll never know.”

Marami ang nais din makaalam kung nanghihinayang ba si Devon sa kinauwian ng kanilang tambalan. “Ay hindi naman po. Siguro kasi ano, for me, iniisip ko na everything happens for a reason. Lalo na ngayon sikat na siya and may mga kanya-kanya na kaming careers so I am very happy, wala namang regrets.”

Nang mapunta naman sa kanilang nakaraan, itinatanggi pa rin ni Devon na may namagitan sa kanila ni James. “Ay hindi po, hindi po naging kami.” Pero sa tanong na kung nanligaw ba sa kanya, “Hindi ko po alam kung nanligaw siya sa akin. Siguro umamin naman kami na we liked each other before, noon pa, noong bago pa lang yung PBB and ngayon masyado kaming focused sa work na and may kanya-kanya na kaming ginagawa.”