Cherry Pie Picache’s mother found dead inside home

Zenaida Picache is believed to be a victim of robbery.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/20/2014 12:00 AM
Cherry Pie Picache’s mother found dead inside home


cherrie.jpg

Sa report sa Bandila, mga bandang alas-singko kaninang hapon nang madiskubre ng aktres na si Cherry Pie Picache ang bangkay ng kanyang inang si Zenaida sa loob ng bahay nito. Sinasabing nag-alala ang Kapamilya actress nang di sagutin ng kanyang nanay ang kanyang mga tawag sa cellphone. Nang nagtungo si Cherry Pie sa bahay ng ina sa Scout Lascano doon na niya nalaman ang malagim na nangyari sa ina, na may stab wounds sa kanyang katawan.

Hinihinala na 6-12 hours na nang pumanaw ang matanda, na naninirahan ng mag-isa sa bahay. Hinihinalang pangnanakaw ang motibo sa krimen.

Humingi ng privacy muna ang pamilya ni Cherry Pie pero sana daw ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang ina. “I would also like to ask help, kung sino man yung pwedeng makatulong kasi we strongly believe baka kakilala ng mommy ko yung pumasok (sa bahay),” sabi ng kapatid ni Cherry Pie na si Erwin.