• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado on losing both parents: ‘Mahirap humanap ng kapalit sa mga nawala’

Iza Calzado on losing both parents: ‘Mahirap humanap ng kapalit sa mga nawala’

Iza Calzado shares her own experiences with loss after portraying it in the horror flick ‘Maria Leonora Teresa.’

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

9/18/2014 9:59 AM
Iza Calzado on losing both parents: ‘Mahirap humanap ng kapalit sa mga nawala’


091814-iza_main.jpgAfter the blockbuster hit Starting Over Again which she did earlier this year, Iza Calzado admitted she was happy to be offered another good role this year in the Star Cinema horror flick Maria Leonora Teresa. “Napakasaya ko. Labis ang aking tuwa na napabilang ako sa 20th anniversary ng Star Cinema at dalawang pelikula pang magkasunod. So talagang I'm thrilled. Natuwa ako kasi siyempre in-offer sa akin at nakatrabaho kami ulit ni direk Wenn Deramas and doing horror films is one of my favorite genres in movies,” she shared.

Iza said her role as a mom who loses her only child is very different from her previous role. “Actually kung dun sa Starting Over Again ako ay subtle, dito ay wala pong subtlety, sigaw ako ng sigaw, iyak ako ng iyak, breakdown ng breakdown so magkaiba. Sana iba ang makita ng audience. Yun din ang isang major challenge sa amin na kung paano ba kami makikita in a different light,” she admitted.

The movie also stars Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo whom Iza says was no problem to work with because they all got equal screen time. “Sa aming tatlo equally distributed ang mga ganap sa mga roles namin at dun din sa mga bata, yung relationship namin sa mga bata at kumbaga isa siyang family drama tungkol sa pagmamahal ng mga ina o tumatayong ina sa mga bata at paano nga ba kung mawalan ka ng isang anak sa mundo,” she said.

Even though she is not yet a parent herself, Iza said she cannot judge those who are grieving and look for alternative ways of getting over death of a loved one. “Ako ay hindi pa nagbuntis at hindi pa rin ako parent. The closest thing to being a parent that I've ever experienced is helping take care of my stepbrother who is now 11 years old. So dati I've been playing mother roles pero iba pala pag may inaalagaan ka na tao na isa ka sa mga taong concerned at responsible sa pagpapalaki sa isang bata. Siguro that's the closest thing that I've ever experienced dahil wala naman akong kapatid na nakababata o pamangkin na inalagaan so dun na lang ako kumukuha minsan ng hugot. At saka siguro being a parent hindi lang yun sa mga nanganak, basta meron kang inaalagaan para ka na ring may inaaruga na bata at minamahal so hindi mo naman kailangan maging magulang talaga. On that note, lagi kong iniisip na sa oras na magkaroon ako ng anak siguro ibang iba yung pakiramdam ko sa bawat eksena na meron akong anak at ang pinaghuhugutan ko ay yung pakiramdam na yun kasi hindi ko pa talaga siya fully na-experience. One day, hindi pa po ngayon (laughs),” she added.


In the movie, the three main characters try to cope with losing their daughters by using eerie looking lifelike dolls. Iza said she would never be judgmental about people who do that in real life. “Iba ibang tao tayo, iba iba ang tingin natin sa mga pinagdadaanan natin sa buhay natin. Mapa-loss man yan o ibang problema. Who am I to say na what works for you is right or wrong? I don't know if that will happen to me, kung ganun din ang mangyayari sa akin pero siyempre I wouldn't want that to happen to me. But naiintindihan ko yung pinanggagalingan ng ibang tao why they would resort to that but I don't know if I'll do it but if I do sana maintindihan niyo rin. Hindi mo masabi eh, we'll cross that bridge when we get there. Kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin mo sa isang sitwasyon pag hindi pa siya nangyari sa iyo. Pero yung pag-unawa nandoon,” she explained.

The 33-year-old actress also related the role to her own experience with loss. “Sa dami ng nawala sa akin mahirap humanap ng kapalit sa mga nawala. Hindi ako humanap ng replacement pero kasi I lost my mom when I was 19. So parang because I was so young, since I had a lot of friends who were older who are very nurturing so I call them up, mga ganun. Pero hindi naman ako humanap ng kapalit sa nanay ko dahil the people in your life are irreplaceable. Siguro unlike our characetrs in the movies, I dealt with every loss in an amazingly positive way. Mahirap siya pero hindi ako umabot sa point na nagkaroon ng depression or anything, talagang God has been so good. Siguro nakuha ko rin yung pagiging positive ng dad ko, yung kanyang outlook in life which has helped me kasi napaka-positive niya,” she explained.

If there was one person Iza wishes was still alive to see her now, it would be her father, former TV director Lito Calzado who passed away in 2011. “Bittersweet siya dahil maraming mga pagkakataon na naiisip ko na kung buhay ang daddy siguro sobrang saya niya makita akong kung nasaan ako ngayon. Sayang lang but I guess it's part of how he's guiding me and making sure that I'm doing great. Ramdam na ramdam ko yung kanyang presence sa buhay ko dahil ultimo sa maliliit na details hanggang sa pagkakaroon ng soap kay Piolo (Pascual) alam niyang fan na fan ako ni Piolo simula bata pa ako. Ang dami eh. Sabi ko, 'Si daddy talaga oh, siguro gawa niya ito.' So sobrang nami-miss ko man siya, alam kong nandiyan siya para sa akin. So I just want to keep making him proud and my mother as well,” she said

Watch Iza Calzado in Maria Leonora Teresa now showing in theaters nationwide starting Septemper 17. The movie also stars Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Eagle Riggs, Cris Villanueva, Joem Bascon, Joey Paras, and Dante Ponce and directed by Wenn V. Deramas under Star Cinema.