Magandang aktres, choosy sa kausap?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/15/2014 3:23 PM
Magandang aktres, choosy sa kausap?


091514_ogie.jpgDisappointed ang apat na non-showbiz young girls na nanalo sa contest ng isang shampoo promo.

Wala namang premyo ito, kundi yung opportunity na makasama sa pictorial at bonding with the main endorser na isang napakagandang aktres na dating dyowa ng isa ring young actor.

Excited na siyempre ang apat na girls to meet up the actress na actually, idol nila pagdating sa pag-arte at hindi daw talaga nakakasawa ang ganda.

Pero ang sabi sa kanila, dun na rin sa pictorial mangyayari ang bonding so ine-expect nila na in between pictorials ay magkakatsikahan sila ng Aktres. 

Siyempre, mahiyain ang four girls pero once in a while ay tsinitsika nila ang Aktres. Pero ang Aktres, ayaw kumibo. Ayaw rin daw magsalita. Tahimik lang.

Ramdam ng apat na girls na hindi sila trip kausapin dahil ang tsinitsika lang ay ang kasama nito at yung hair stylist at make-up artist, at lively na lively pa siyang makipagtsikahan sa mga ito. 

Pero sa apat na bagets, Dedma Dela ang drama ni Aktres. "Kaya hindi na siya tsinika ng apat na bagets. Nahiya na, eh. Saka parang ayaw silang kausap. 

"Ganon pala siya, no? Pag sa TV, ang sweet-sweet ng image tapos parang ang sarap i-hug, pero that time, mate-turn off ka talaga.

"Hindi naman pwedeng sabihing nireregla siya that time eh ba't ang mga kasama niya, tsinitsika niya, kung talagang meron siya?

"Saka walang nakuhang prize ang mga bata, kundi ang maka-bonding siya. Bonding ba yong ganon? Ayaw mong kausapin ang mga bata?"

Nako, sana nga eh magawan ng paraan ng Aktres na makabawi sa mga batang sumali lang para maka-bonding siya, otherwise, aberya na ito.