Court allows Cedric Lee, Deniece Cornejo to post bail

Cedric Lee, Deniece Cornejo and Simeon Raz are allowed to post bail on Serious Illegal Detention charges against them

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/15/2014 10:37 PM
Court allows Cedric Lee, Deniece Cornejo to post bail


091514-denise_main.jpgSa ulat ni Jay Ruiz para sa TV Patrol, ibinaba na kanina ,September 15, ang resolusyon na nagbibigay ng permiso sa mga akusado na sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Simeon Raz na mag-post ng bail para sa kasong Serious Illegal Detention na isinampa sa kanila ng comedian-host na si Vhong Navarro.
 
Ayon sa ulat, napirmahan na noong September 12 ang resolusyon at nakalagay doon na nabigo ang prosekusyon na magbigay ng malakas na ebidensiya na nagkaroon ng Serious Illegal Detention nang gabi ng pambubugbog kay Navarro. Pinagbabayad ng korte ang bawat isa sa mga akusado ng 500,000PhP.
 
Nagdidiwang na ang kampo nila Lee, Cornejo at Raz. Masaya rin ang Lola ni Cornejo na si Polly Cornejo dahil nabigyan diumano ng katarungan ang kanyang apo. Ayon pa sa Lola ni Cornejo, napakahirap makita ang kanyang apo na nakakulong at dinaranas ang sitwason na hindi naman nito dinana simula pagkabata nito. Magpapyansa na raw bukas sina Lee at aasikasuhin na sa lalong madaling panahon ang mga kailangang dokumento para sila ay makalaya na.
 
Gulat naman ang abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga at kukwestiyunin daw nila ang naging desisyon ni Judge Esperanza Cortez.