Ayon sa ulat, napirmahan na noong September 12 ang resolusyon at nakalagay doon na nabigo ang prosekusyon na magbigay ng malakas na ebidensiya na nagkaroon ng Serious Illegal Detention nang gabi ng pambubugbog kay Navarro. Pinagbabayad ng korte ang bawat isa sa mga akusado ng 500,000PhP.
Nagdidiwang na ang kampo nila Lee, Cornejo at Raz. Masaya rin ang Lola ni Cornejo na si Polly Cornejo dahil nabigyan diumano ng katarungan ang kanyang apo. Ayon pa sa Lola ni Cornejo, napakahirap makita ang kanyang apo na nakakulong at dinaranas ang sitwason na hindi naman nito dinana simula pagkabata nito. Magpapyansa na raw bukas sina Lee at aasikasuhin na sa lalong madaling panahon ang mga kailangang dokumento para sila ay makalaya na.
Gulat naman ang abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga at kukwestiyunin daw nila ang naging desisyon ni Judge Esperanza Cortez.