• Home
  • Fresh Scoops
  • Character Actress, tinarayan ang katrabahong Character Actor

Character Actress, tinarayan ang katrabahong Character Actor

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/15/2014 7:34 PM
Character Actress, tinarayan ang katrabahong Character Actor


091514_ogie25.jpgBlind Item #1: Hindi nagyoyosi, hindi rin manginginom, pero ba't dinapuan ng gano'ng sakit ang isang sensational personality? Nakapagtataka, hindi ba?  Kaya nu'ng naitanong ko sa mga kaibigan kung ano'ng cause ay ito lang ang isinagot ng dalawang napagtanungan ko.

"Kasi, Mama Ogs, tambay 'yan sa E Games o 'yung online casino.  Kaya niyang hindi matulog ng 3 days straight basta pindot lang siya nang pindot."

So ano'ng kunek ng bisyo niyang ito sa kanyang sakit?

"Eh, siyempre,  ang mga tao doon,  yosi nang yosi.  Buga nang buga ng usok.  Tapos, siya na hindi naman nagyoyosi ang nakaka-inhale ng second-hand smoke.  Kaya ayun.  Hindi 'yun siguro ang major cause, pero Mama Ogs naman,  kung halos doon ka na nakatira palagi with the presence of the smokers, tatamaan ka talaga sa baga."

Ah, okay.  Anyway, ang makakasagot lang naman niyan ay ang may katawan mismo, eh.  Kung inabuso ba niya ang sarili niya sa kapupuyat at kalalanghap ng usok ng mga yosi, kaya rin siya nagkasakit nang malubha.

Let's all pray na lang na sana ay gumaling na siya, lalo na't napakarami din niyang fans, supporters, and friends na patuloy na ipinagdarasal ang kanyang paggaling.

Bilnd Item #2: Mataray ang isang young character actress nu'ng binati siya ng isang young character actor.

"Okay ka sa akin for as long as you won't go near me.  'Wag mo na rin akong kakausapin, okay na ako," mataray ang pagkakasabi ng girl sa boy na ikina-shock ng huli, kaya mula noon, sa tuwing nagkikita sila sa set ng isang teleserye ay ngitian lang sa malayo ang kanilang drama.

Kasalanan din naman ng lalake.  Pag nakakainom ito ay kung anu-ano ang mga pinagsasasabi sa katrabaho to a point na puro kabastusan na ang lumalabas sa bibig nito, kaya naman nilitanyahan niya.  "Para hindi na rin siya lumapit sa akin kasi alam niyang ayoko sa kanya."

Juice ko,  gusto ko tuloy umawit ng "A-B-C-D-E-F-G..."  bilang pasok ang mga initials nila dito.  But the last time we saw the guy,  nagbago na raw siya.  Ewan kung for the moment lang 'yon o for good na.