• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto opens up about not having to ask permission about work

Gretchen Barretto opens up about not having to ask permission about work

Gretchen Barretto talks about her latest movie and her experiences in doing the film. She also opens up on how her daughter and her partner trust her decisions when it comes to work.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/14/2014 2:52 AM
Gretchen Barretto opens up about not having to ask permission about work


091414-gretchen_main.jpgAlmost A Love Story ay isa sa inaabangang pelikula ngayong taong ito.Ibinahagi ni Gretchen Barretto, isa sa mga bida sa pelikula, ang kanyang mga kwento sa pakikipagtrabaho sa mga kasama dito, tulad nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Jessy Mendiola, “Si John Lloyd, una knowing that he is a very good actor nakakakaba hindi ba? Pero kapag nasa set si John Lloyd parang wala siya sa set. Ang pangalan niya kasi sa pelikula is Ronald. I feel like si Ronald ang nandun, hindi si John Lloyd, hindi siya nakikipaglaro, hindi siya nakikipagdaldalan, focused siya sa set. And I think I am inspired to also work, I don’t play as much kasi I am a very playful person. Gusto ko pagpunta ko sa set happy kaagad pero in this movie I know that I have to focus. Hindi ako pwedeng Gretchen, dapat focused ako at in character. I am not as magulo and the pictures hindi ako masyadong nagpopost kapag nagshushoot kami kasi kailangan ano ako professional, kunwari.”

Huling napanood si Gretchen sa pelikula sa indie film na ginawa niya para sa Cinemalaya at ngayong bumabalik siya sa paggawa ng mga mainstream films, hindi na rin siya nanibago lalo pa at mas sanay siya noon na sabay-sabay ang paggawa niya ng pelikula. “Well I cannot say I namiss ko ang paggawa ng pelikula kasi noong araw nung gumagawa akong pelikula 20 years ago, tatlo-apat na pelikula ang ginagawa ko sabay-sabay at kapag sabay-sabay mo ginagawa ang isang proyekto you don’t appreciate what you are doing. Parang sige, tapusin na lang natin ito, para lang matapos mo yung proyektyo. Pero this time dahil isa-isa ang pelikula ko nakakafocus ako. I get to value my work, my character, the people I work with and of course ABS-CBN because it’s my first movie.”

Ibinahagi din ni Gretchen ang kanyang gagampanang karakter sa pelikula. “Ako ay isang developmental psychologist so very plain and simple Gretchen ang makikita niyo sa pelikulang ito pero more focused at maraming iyakan, maraming emotions. Yung mga pinagdaanan ko this past year, all the emotions, makikita niyo sa pelikulang ito. I will share with you without telling you my story, I will show you my emotions.” 

Sa mga paggawa niya ng proyekto, natanong kung kailangan pa niyang magpaalam sa kanyang partner na si Tony Boy Cojuangco. “Hindi naman kasi I am the boss of me. Okay ba yun? Tama naman yun? Hindi na ako nagpapalam kung kanino kasi I guess by now I have earned the trust and respect of Tony and Dominique (Gretchen’s daughter) and the people who matter in my life and all the people who matter in my life as far as I am concerned. Ever since I signed a contract with ABS-CBN under Tita Malou (Santos) since I did Magkaribal lahat naman ata I am sure okay naman yung mga proyekto na ginawa ko at mga series na ginawa ko, nakikita naman. pati album, nag-platinum record ata.”