• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Chiz Escudero will marry Heart Evangelista on February 15, 2015

Sen. Chiz Escudero will marry Heart Evangelista on February 15, 2015

Sen. Chiz Escudero says the wedding date with Heart Evangelista was never February 14.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/12/2014 12:15 PM
Sen. Chiz Escudero will marry Heart Evangelista on February 15, 2015


091214-chiz_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagsalita si Senator Chiz Escudero bilang head ng Committee on Budget at bilang fiancé ng aktres na si Heart Evangelista.

Ayon kay Senator Chiz, ang pinakamalaking budget sa 2015 ay mapupunta sa Department of Education, pangalawa sa Department of Public Works and Highways at pangatlo sa Department of Interior and Local Government. Totally scrapped na rin diumano ang pork barrel. Tinalakay rin niya ang issue ng port congestion at sinabi na inaasahan itong ma-declog by January 2015.

Sinabi ni Sen. Chiz na sa Balesin Island pa rin sa Quezon ang venue ng kasal nila ni Heart at gaganapin ito sa February 15, 2015. “It was never February 14,” ani Sen. Chiz. Wala pa raw silang napipiling petsa noong nagkaroon ng issue tungkol sa diumano’y pag-bump off nila sa venue ng kasal nila Cesca Litton at ng kanyang fiancé, na ikakasal rin sa Balesin on Februray 14, 2015.

Kwento ni Sen. Chiz, bago pa niya yayain magpakasal si Heart ay inimbita na niya maging best man si President “PNoy” Aquino sa kanilang kasal.

Kwento pa niya, katatapos lang mag-celebrate ng kambal niyang anak ng kanilang seventh birthday last Sunday, September 7, at nang tanungin niya ang mga ito tungkol sa kanyang pagpapakasal ay six-years-old pa lamang sila. Nang tanungin daw niya ang babae niyang anak kung okay lang na magpakasal na siya ang sagot nito ay, “kanino daddy?” Natawa si Chiz at sinabing, “kanino pa, ikaw naman” Sinagot naman ito ng kanyang anak ng, “okay Daddy, super okay.” Ang katuwiran daw ng kanyang anak ay “at least may mommy kami dito at may mommy kami kapag bumibisita kami kay mommy.” 

Matatandaan na naging vocal noon ang mga magulang ni Heart na hindi nila gusto si Chiz para sa kanilang anak. Sinabi naman ni Chiz na nagbigay na ng blessings ang parents ni Heart sa kanilang pagpapakasal at papunta na raw sa pagkakaayos ang relasyon niya sa mga ito. Ipinapanalangin daw ni Heart na maayos na ang lahat pagdating ng araw ng kanilang kasal.