Joseph Marco confesses that Alex Gonzaga ‘grows on you’

Joseph Marco says he and Alex Gonzaga have gotten closer.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/12/2014 9:51 AM
Joseph Marco confesses that Alex Gonzaga ‘grows on you’


091214-joseph_main.jpgSa nakaraang Star Magic Ball ay ka-date nga ni Joseph Marco ang kanyang leading lady sa seryeng Pure Love, si Alex Gonzaga. Kwento nga ni Joseph na bago ang kanilang date ay aminadong nahihiya siyang tanungin ang dalaga.

“Actually hindi ko alam, I am asking myself bakit ako nahihiya sa kanya hindi ko alam talaga. But little by little nagiging comfortable ako sa kanya kasi sa Pure Love bihira yung scenes namin together kasi lagi siya comatose, parang ganun ko lang siya nakaka-eksena, parang bihira talaga, then ngayon nakakabonding ko siya sa set and little by little nagiging close naman kami.”

Malaki ang naitulong ng kanilang show para mas mapalapit sila sa bawat isa. “Malaking tulong talaga kasi once na nakakasama mo yung tao na everyday o kahit every other day talagang nagiging close kayo, yung familiarity niyo with each other ‘di ba?”

Kwento ni Joseph, mas kumportable na silang dalawa ni Alex ayon ngayon, pero aminado siyang hindi pa rin nawawala ang hiya niya sa dalaga. Kaya naman nang tanungin ng Push si Joseph kung bakit, ang nakangiti niyang sagot dito, “Well I guess natutuwa ako sa kanya and I find her cute.” At kung ang rason ay may crush ba siya sa dalaga, paiwas niyang sinagot ito at sinabing, “Hindi namumula lang, nagbublush.”

At nang nagpakwento ang Push sa kung paano niya ba ilalarawan si Alex, napatigil at nag-isip muna si Alex bago niya sinagot ang tanong na tila naging pag-amin na din sa tunay niyang nadaraman sa dalaga. “Well honestly nung una, hindi talaga ako interesado kay Alex pero little by little she grows on you and ano siya eh, she is very true to herself. Like sobrang totoo niyang tao, well sorry Alex ah, parang to the point na umuutot siya, wala siyang pake, parang nakaka-amaze lang na wala siyang tinatago, yun, dun ako na-amaze.”

Sa panayam sa kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga, binuko niya na madaling mapa-ibig ang dalaga kaya naman nang hingan ng reaksiyon si Joseph dito, “Talaga, totoo yun? Since ganyan siya diba I really have to be careful kasi I respect Alex kung talagang may gusto akong ipursue sisiguraduhin kong totoo yung nararamdaman ko kasi diba ayaw ko naman makasakit or what.”

At ngayong malapit na nga at kumportable na sila sa isa’t isa, hindi niya ba naiisip na ligawan si Alex? “Siguro hindi naman mawawala yun lalo na kung may attraction lalo na kung konti ‘di ba? Hindi naman mawawala yun but then again kailangan mong pag-isipan talaga to make sure na wala kang masasaktan.”