• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola opens up about JM de Guzman, Sam Milby, and Jake Cuenca

Jessy Mendiola opens up about JM de Guzman, Sam Milby, and Jake Cuenca

Jessy Mendiola says that all is well between her and JM de Guzman, Sam Milby, and Jake Cuenca and says that she is willing to work with them in the future.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/13/2014 5:05 AM
Jessy Mendiola opens up about JM de Guzman, Sam Milby, and Jake Cuenca


091314-jessy_main.jpgHindi na lingid sa kaalaman ng mga tao ang mga lalaking naging bukas sa paghanga kay Jessy Mendiola. Kamakailan ay nalilink si Jessy sa Colombian na si Sebastian Gasca. “We are not literally not seeing each other kasi he went back to Colombia. We weren’t even dating when he was dating, he was like a friend of mine and we were very close. Nagkataon na gusto niya kaming bisitahin dito, yung mga nameet niya in Korea, Matanglawin Team, ako handler ko, yung friends niya dito sa Philippines kaya pumunta talaga siya before his school starts. Pero yun lang naman, seeing someone, dating someone right now, no.”

Napabalita noon ang panliligaw sa kanya ni Sam Milby. Nang tanungin ng Push si Jessy kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa, “Oo, tumigil kasi nag-stop I think mid-Maria Mercedes kasi sobra akong naging busy nun, I was doing a film, I was doing Maria Mercedes and I had to start with my film right now with John Lloyd (Cruz) and sabay-sabay na din ang lahat and I think I don’t know, it just didn’t work out.”

Aminado naman si Jessy na nung tumigil sa Sam sa panliligaw ay may iba na ring nagparamdam sa kanya. “Well meron pero hindi as ganun as tulad kay Sam na it was televised at napag-usapan andeverything ganyan. Wala eh. Cool lang ako, chill-chill.” Si Jake Cuenca din ay nagsabing nililigawan niya si Jessy at iba ding mga aktor na nagpahatid ng kanilang paghanga sa dalaga.

Ngayon ay medyo tahimik ang buhay pag-ibig ni Jessy. “Actually mas sanay ako na ganito kasi last year mas nanibago ako kasi in real life hindi naman ako ganun. Mas okay sa akin na wala, okay lang naman sa akin na meron but mas hindi ako sanay kung mas lagi siyang napapag-usapan kasi ako yung mas hindi nagkukwento pagdating sa mga ganyan eh so yunng nangyari last year mas dun ako nanibago. Chill lang, relax lang.”

Natigil man ang panliligaw ni Sam at may karelasyon na ngayon si Jake, ayon kay Jessy, maayos naman ang lahat sa kanilang lahat, “Good terms with everybody, with everyone, no bad vibes.”

Naikwento na nga ni JM de Guzman sa kanyang mga panayam ang muli nilang pagkikita ng kanyang ex-girlfriend na si Jessy, at si Jessy ay naikwento nga ang nangyari sa hindi nila inaasahang pagkikita. “Tumatakbo ako sa UP, siya din tumatakbo tapos nakikipag-chikahan ako sa mga high school friends ko, sabi ko sige bukas ulit run tayo pagkaganun ko boom, uy, napasigaw ako sa loob ng up, uy anong ginagawa mo dito, ito tumatakbo din tapos sa lahat-lahat bang lugar na magkikita tayo, dito pa? Of all places. Tapos yun hi, hello lang.”

Ngayon ngang nagbabalik sa showbiz si JM at magiging mas madalas ang pagkikita, sinabi ni Jessy na maayos sila at wala silang problema> “Oo, I mean matagal na ring panahon na nakalipas yun and as I’ve said with my past interviews JM is always welcome in this industry at saka yung pagkikita naming ulit I mean ang tagal na, ang tagal na naming hind nagkikita. JM is always… he has a place in my heart always and he is a good person so wala akong masamang tinapay sa kanya”

At kung nais niya pa bang makatrabaho si JM de Guzman, Jake Cuenca at Sam Milby, “Yeah, oo naman, of course.”