Jake Cuenca finally admits past relationship with Lovi Poe

After consistently denying it, Jake Cuenca finally admits past relationship with Lovi Poe.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/13/2014 5:06 AM
Jake Cuenca finally admits past relationship with Lovi Poe


091314-jake2_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, maiinit na rebelasyon tungkol sa buhay pag-ibig at tungkol sa kanyang pagiging aktor ang binitawan ni Jake Cuenca.

Para mas maging mahusay pang aktor, mag-aaral sa isang prestigious acting school sa New York si Jake. Pag-aaralan niya ang method acting at ayon kay Jake ang nag-suggest ng school niya ay ang seasoned actress na si Cherie Gil na nakasama niya sa Ikaw Lamang. Diumano nagpadala ng portfolio si Jake at mapalad naman siya na matanggap sa school. Aalis si Jake sa September 29 at babalik siya ng November. 

Tungkol naman sa girlfriend ni Jake na si Chanel Olive Thomas, sinabi ni Jake na nang pumunta sila ni Chanel ng Bali, Indonesia ay hindi pa sila. Doon niya sinabi kay Chanel na, “I’m falling in love with you.” Sinagot naman ito ni Chanel ng, “I feel the same way too. I love you, too.” “Old fashioned” din si Jake dahil tinanong niya si Chanel kung pwede niya itong maging girlfriend. Dagdag pa ni Jake, kasama nila ni Chanel sa Bali ang pamilya ni Jake at ilang kaibigan katulad ni Raymond Gutierrez.

Kwento ni Jake, half-Australian at half-Pinay si Chanel at isa siyang ramp model. Sumali rin diumano si Chanel sa Australia’s Next Top Model. Ayon kay Jake, “Chanel just turned 24.”

Gusto ni Jake ang relationship niya with Chanel dahil diumano ay mas simple ang lahat. “Dedma” lang daw si Chanel sa mga intriga sa showbiz katulad na lamang nang mag-react ng negatibo sa relationship nila ang Jessy Mendiola-Jake fans. Ang pinakaimportante raw kay Chanel ay “she trusted me and we’re committed to each other.”

Habang nasa New York si Jake ay pupunta naman si Chanel ng Korea kasama ang kanyang pamilya at magkikita na lang raw si Jake at Chanel sa Manila. Totoo rin na male version ni Chanel si Jake dahil very spontaneous sila pareho. “We like going through the day without plans.” 

Nagulat rin ang host na si Kris Aquino nang aminin ni Jake na, “Before Chanel, it was Lovi Poe.” Sinabi ni Jake na two years silang naging magkarelasyon ni Lovi. Nag-react naman si Kris at sinabi nitongm “You lied to me for two years ha.” Nagpaliwanag naman si Jake, diumano inamin na niya kasi inamin na rin ni Lovi sa isang interview. Ani pa ni Jake, “Hindi ko naman tinago yung admiration ko sa kanya and I was always vocal na mahal ko siya.”

Dagdag pa ni Jake, sila na ni Lovi “since we did our movie.” Hindi niya raw alam kung ano ang nag-udyok kay Lovi na aminin ang naging relationship nila, pero nag-tweet si Jake sa aktres at nagpasalamat sa pag-amin ng dalaga. 

Naiintindihan naman daw ni Kris at ani pa ni Kris, “’pag natapos na’t lahat dun umaamin.”  

Is Chanel the one for Jake? Masaya at assured na siganot ito ni Jake ng, “for me she’s the one.” Dagdag ni Jake, “I’ve never loved anyone this way.” Napaka-supportive rin daw ni Chanel at ng pamilya nito.