Ex-housemate, walang utang na loob?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/11/2014 4:47 PM
Ex-housemate, walang utang na loob?


091114-ogie_main.jpgKawawa naman ang discoverer ng isang ex-housemate, dahil hanggang ngayon ay hindi ito binabalikan ng kanyang manager para kausapin. 

Dinala ni Discoverer ke talent manager ang bagets at nangako naman daw si Manager na pag nakapasok sa bahay ni Kuya si Bagets at mag-artista ito ay bibigyan niya ito ng porsiyento sa kada proyekto ni Bagets. 

Ewan ko kung aware si Bagets sa naging usapan at oo nga at wala pa namang maraming projects, pero ang manager daw ay hindi man lang sinasagot ang mga tawag at text ng Discoverer kung ano na ang nangyari sa kanilang usapan.

Hindi na din makontak ni Discoverer si Bagets dahil nagpalit na raw ito ng number, kaya nga ang ginagawa ngayon ni Discover ay kung sino-sino na ang kinakausap nito para maiparating ang hinaing sa Manager na pinagbilinan niya sa Bagets pero ngayon ay nakalimutan na siya. 

Baka din maiayos din ang problemang ito, lalo pa't nag-uumpisa pa lang ang career ni Bagets at wala pa masyadong ganap sa career nito.

Malaki kasi ang potential ng Bagets to make it big in showbiz. Pero iba pa rin kung ang talent ay tumatanaw ng utang na loob sa Discoverer niya. 

Alam kong ang kay Pedro ay kay Pedro, after all, kaya naman ang mga bata ngayon ay nag-aartista, baka sakaling manalo ang kanilang pangarap o matalo kung pagpapakyut lang ang gagawin at hindi naman marunong umarte.

At bilang matagal na rin ako dito sa showbiz eh gagawaan natin ng paraan yan para pagkitain at pag-usapin ang mga sangkot para everybody happy.