• Home
  • Fresh Scoops
  • Nova Villa asks prayers for sister Tia Pusit’s full recovery

Nova Villa asks prayers for sister Tia Pusit’s full recovery

Nova Villa asks prayers for sister Tia Pusit who underwent double coronary bypass surgery.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2014 7:00 PM
Nova Villa asks prayers for sister Tia Pusit’s full recovery


091114-nova_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, tinatatagan ni Nova Villa ang loob para sa kanyang kapatid na si Tia Pusit na dumaan noong September 9 sa seven-hour double coronary bypass operation para tanggalin ang aneurism at mga bara sa puso.

Ayon sa ulat, may sakit din sa bato si Tia Pusit na ngayon ay 66 years old na. Dagdag pa ni Nova, nagda-dialysis si Tia Pusit tatlong beses sa isang linggo at ipagpapatuloy ang dialysis “for life” matapos nito makalabas sa ospital. Nasa ICU pa ng hospital hanggang ngayon si Tia Pusit.

Masaya namang inilahad ni Nova ang mga ginagawa nila ng kanyang kapatid. “We talk about God. Nagco-comedy kami. Gusto niyang mabuhay, yung mga dreams niya ngayon gusto niyang gawin.” Marami rin diumanong gustong tulungan na mga katulong si Tia Pusit. 

Isinabay ni Nova Villa at Ai-Ai De Las Alas ang pamisa para sa kalusugan ni Tia Pusit at Boy Abunda.

Humihingi rin ng panalangin si Nova para sa tuluyang pag-galing ng kanyang kapatid.