• Home
  • Fresh Scoops
  • Misters of the Philippines Mr. International Neil Perez will not leave PNP for showbiz

Misters of the Philippines Mr. International Neil Perez will not leave PNP for showbiz

Mister International Neil Perez will not leave PNP for showbiz.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2014 7:02 PM
Misters of the Philippines Mr. International Neil Perez will not leave PNP for showbiz


091114-neil_main.jpgAng sexiest man in uniform na si Neil Perez ang mas kinilala pa sa Aquino and Abunda Tonight. 

Si Neil ang policeman na nanalo bilang Mister International sa Misters of the Philippines 2014. Ang totoong pangalan ni Neil ay Mariano Mata at ang Neil Perez ay isa lang niyang screen name na nanggaling sa kanyang nickname at maiden name ng kanyang nanay.

Ayon kay Neil, isa siyang bomb and explosive technician sa Aviation Security Group ng Philippine National Police. Dito na diumano siya na-assign simula pa noong naging parte siya ng PNP. Kwento ni Neil, pagkatapos niya ng college sa Manuel L. Quezon University ay agad na siyang nag-take ng exam at nag-apply sa PNP. Isang police ang ama ni Neil kung kaya naman nag-police rin siya.

Ngunit bakit kaya naisipan ng isang policeman katulad ni Niel na sumali sa male pageant? Ayon kay Neil, hinikayat siya ng isa pang police na sumali at ipinakilala siya nito sa kanyang handler na si Makoy.

May girlfriend si Neil at dapat ikakasal na sila ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagsali at pagkapanalo ni Neil ng title sa Misters of the Philippines 2014. Ayon kay Neil ang girlfriend niya ay nagbebenta ng hair clips online at sinusuportahan naman daw siya nito kung kaya hindi naging problema ang pagka-postpone ng kanilang kasal.

Ipinakita ni Neil ang kanyang abs at diumano ang diet niya ay high-protein at no rice. Nagwo-work out rin siya sa barracks at sa loob ng kanyang bahay katulad ng push-ups at sit-ups.

May balak kaya si Neil mag-artista? Gusto naman daw niya “basta hindi ito makakaapekto sa trabaho ko.”

Ire-represent ni Neil ang Pilipinas sa Mister International na gaganapin sa Korea. Pino-promote ni Neil ang healthy lifestyle sa kapulisan at layunin din niyang mabigyan ng magandang image ang PNP.

Pinuri naman ng host na si Kris Aquino si Neil dahil sa pagiging magandang ehemplo nito.