Kean Cipriano admits Alex Gonzaga is the girl that got away

Kean Cipriano opens up about Alex Gonzaga

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2014 9:15 AM
Kean Cipriano admits Alex Gonzaga is the girl that got away


091014-kean_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinabulaanan ni Kean Cipriano na nabuwag na ang bandang Callalily dahil diuamano sa pagkahumaling niya sa vocalist ng Gracenote na si Eunice Jorge.

Aminado si Kian na lagi silang magkasama ni Eunice ngayon dahil sa album at concert na pagsasamahan nila. Aminado rin si Kean na, “I admire her. She’s a gem, she’s just so talented.” At nang tanungin ng Queen of All Media Kris Aquino kung may “romantic like” siyang nararamdaman for Eunice, sinabi ni Kean na “meron.” Pero sa ngayon daw ay hindi pa naman niya nililigawan si Eunice.

Ayon kay Kean, hindi rin totoo na disbanded na ang Callalily. “The band is solid.”

Tanong ng Queen of All Media Kris Aquino kay Kean, naging sila nga ba ng comedian-host na si Alex Gonzaga? Sagot ni Kean ay hindi naging sila ni Alex at hindi rin niya niligawan si Alex. Ipinaliwanag naman ni Kean na iba ang naging sitwasyon nila ni Alex. “Ang hirap magsalita kasi weird yung situation na yun e.”

Panay buntong hininga at hirap sumagot si Kian at sa huli ang nasabi lang niya ay, “We spent good times together na madalas.” Idinagdag pa niya na, “Alex, I liked her. ‘Pag nakikita ko si Cathy (Alex Gonzaga’s real name) mapapangiti na lang ako.”

Dahil hirap na hirap sumagot si Kean tungkol kay Alex, tinanong na lang ni Kris pointblank kung, “is she the one that got away?” Sinagot naman ito ni Kean ng, “yes.”