• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo’s term of endearment for Daniel Padilla leaves everyone wondering if the two are officially an item.

Kathryn Bernardo calls Daniel Padilla ‘babe’

Kathryn Bernardo’s term of endearment for Daniel Padilla leaves everyone wondering if the two are officially an item.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/10/2014 09:18 AM
Kathryn Bernardo calls Daniel Padilla ‘babe’
091014-kathniel_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, usap-usapan ang pagtawag diumano ng “babe” ng Teen Queen Kathryn Bernardo sa kanyang Teen King na si Daniel Padilla. “In a relationship” na nga ba ang status ng tambalang KathNiel?

Narinig ang pagtawag ni Kathryn ng “babe” kay Daniel nang sila ay nasa 8th Star Magic Ball noong September 6 sa Shangri-La Hotel, Makati. Sinalubong sila sa taas ng hagdan ng news reporter na si Ginger Conejero at narinig si Kathryn na sinabi kay Daniel na, “Take a picture babe.” At diumano, sinagot naman ito ni Daniel ng, “Yes babe.”

Ayon sa host na si Kris Aquino, kapag ang babae ang tumawag ng babe sa lalaki ibig sabihin ay “may feelings na yun.”

Taliwas naman ito sa opinyon ni Cavite Governor Jonvic Remulla, na guest sa A&A ng gabing iyon, na nagsabing para sa kanya “they look good together” at ang pagtawag ng “babe” ay hindi naman daw nagpapahiwatig ng “commitment” ng Teen King at Teen Queen sa isa’t isa.