Angel Locsin says that she and Angelica Panganiban are okay

Angel Locsin says why she does not think Angelica Panganiban is tweeting about her.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2014 7:01 PM
Angel Locsin says that she and Angelica Panganiban are okay


091114-angel_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nasasangkot sa intriga si Angelica Panganiban at Angel Locsin. Tungkol ito sa tweet ni Angelica noong Martes, September 9. Sa tweet ni Angelica tila may pinariringgan siya nang sabihin niya na “Te…ang comedy, may tamang pasokWag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin.”

Nag-tweet si Angelica nang 1:43 ng hapon at nagkataon na simula Lunes ay nasa It’s Showtime si Angel Locsin bilang guest host. Agad namang inisip ng fans ni Angel Locsin na si Angel ang tinutuloy ni Angelica sapagka’t nagkaroon ng alitan ang dalawang aktres noong 2012 habang ginawa nila ang pelikulang One More Try. Diumano may eksena sa pelikula na totoong nagsampalan at nagsabunutan si Angelica at Angel.

Agad namang sinagot ni Angelica ang mga na nag-iisip na si Angel ang pinariringgan niya sa pamamagitan ng isa pang tweet. “Malala na kayo. ‘Wag niyo kaming gawan ng issue ni Angel. Matagal na kaming okay.” 

Nag-react naman ang Queen of All Media Kris Aquino at sinabing “the fact na hindi nagre-react si Angel means hindi siya naniniwala.” Dagdag pa niya, naka-text niya si Angel tungkol sa issue at sinabi diumano ni Angel na, “weird naman Ate na magre-react ako kasi hindi naman pinangalanan at feeling ko okay naman kami.” Ayon kay Angel, simula 2013 nang kilalanin sila ni Angelica ng Guillermo Mendoza Memorial Awards bilang actresses of the year ay “okay na kami.

Back to It’s Showtime muli si Angel bukas dahil hindi pa rin makakapasok si Anne Curtis. Ayon kay Kris, magkakaroon ng medical procedure ang daddy ni Anne.