Young JV breaks his silence on his video scandal

Young JV admits that he made a mistake.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/2/2014 12:00 AM
Young JV breaks his silence on his video scandal


010914-YoungJV_Main.jpgSa unang pagkakataon ay nagsalita na si Young JV tungkol sa kontrobersiyang kanyang kinakaharap patungkol sa kumalat niyang video scandal. Sa promo ng kanyang bagong single na “Get Up And Dance”, aminadong naging inspirasyon ni Young JV ang kanyang mga pinagdaanan at kung ano ang kinailangan niyang harapin para makaggawa ng mas maganda pang musika. “Bagong advocacy, a sense of transmitting your negative energy into dance. So ano ito all ages, lahat ng kabataan, bata o matanda  dapat kahit may problema ka o mabigat ang araw mo, transmit that into dancing.”

Para kay Young JV, ang kanyang kinaharap patungkol sa eskandalo ay hindi maituturing na mabigat na bagay. “Something not really heavy. Naisipan ko lang na ano, as a young kid, stressed ka sa love life or whatever it is, magandang way siya to transmit into dancing kasi kesa you do whatever you do, bad habits, you can transmit it to dancing kasi malaki yung tulong nun eh. Malaki yung stress level na matutulong ng dancing.”

Kaya naman nang matanong ng Push kung kamusta siya matapos ang mga isyu na kanyang kinaharap, “This year ups and downs pa rin. Good year because [of the] projects and music is good, there are downfalls in my life, I know. [Pero] blessed pa rin.”

At nang matanong na nga kung ang isa sa mga downfalls na ito ay ang kumalat niyang video scandal, “My downfalls are my mistakes as a kid and errors in my life in terms of decision making so for me its always being positive, being you and myself every year.”

Ayon kay Young JV, hinarap niya ang pagsubok na ito sa paraang mas makakapagpabuto ng kanyang sarili. “For me, I create better music, be a better role model and nag-invest ako sa sarili ko in terms of being an artist and sa mga fans to be better as an artist, kung ano ang difference ni Young JV dati at Young JV ngayon. Yung ngayon matured na, hindi na ako alam mo yun, improved the way I performed, the way I act.”

Sinabi din ni Young JV na nang magsimulang lumabas ang kontrobersiya ay hindi na lang niya ito pinansin. “Ako deadma lang and put a smile.” Ngunit nang matanong kung bakit hindi siya lumabas ng mas maaga para magsalita o kung hindi man ay depensahan ang kanyang sarili, “Nakakatawa siya, effort siya kaya hindi na ako nagsasalita about it so ako wala akong ginagawa because I was so focused on doing my acting and music and lalo na  my music so nakakatawa.”

Natawa man ngunit nagalit din siya sa mga taong pilit na nagbababa sa kanya at nagpapakalat pa ng isyu. “Nagalit pero hindi  naman [yung] nagalit [talaga], pero its just people would talk, lahat naman eh. They will always talk and marami silang sasabihin just to break you down, maraming ganun. Ako talaga hindi sila nagbago sa akin, I just keep my head up.”

Sa pinagdaanang ito ni Young JV, ayon sa kanya, nariyan lang ang kanyang pamilya na sinusuportahan siya at hindi siya pinabayaan. Maging ang kanyang mga kaibigan ay hindi rin siya iniwan, ni hindi rin naisip kailanman ni Young JV na dahil dito ay tuluyan nang iwan ang showbiz. “I never thought of that, there was nothing that could stop me.”