Sam Milby talks about the three ladies in his life

Sam Milby talks about Jessy Mendiola, Shaina Magdayao, and Anne Curtis.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/1/2014 10:33 PM
Sam Milby talks about the three ladies in his life


090214-Sam_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinagot ni Sam Milby ang mga katanungan tungkol sa mga babae in showbiz na naugnay sa kanya.

Inamin niya na niligawan niya si Jessy Mendiola for about three months pero hindi diumano ito nag-work out, kung kaya nagkaroon ng mutual decision na ‘wag na lang ituloy ang panliligaw niya sa Kapamilya star. Sinabi ni Sam, na nagdesisyon silang ihinto ang pag-date nila ng early December, 2013.

Giit naman ni Sam na kaibigan lang talaga niya si Shaina Magdayao and they go out with a group of friends, kaya diumano hindi siya humingi ng pasintabi sa kanyang kaibigan na si Piolo Pascual na liligawan niya ang dalaga. Inamin noon ni Shaina at Piolo Pascual na mayroon silang “special friendship.”

Two years ago, nagpaalam diumano si Sam kay John Pratts na ex-boyfriend ni Shaina, na liligawan niya ang dalaga. Pero ngayon ay magkaibigan na lang si Shaina at Sam.

Kwento pa ni Sam sa host na si Kris Aquino, ay napakabuting tao ni Shaina at wala kang maririnig na bad rap about her. “She’s one of the nicest people you’ll ever meet.”

Kilala ba ni Sam ang mga manliligaw ni Shaina? Ayon kay Sam, hindi nila napag-uusapan yun ni Shaina, kung kaya naman konklusyon ni Kris na may “malisya” between Shaina and Sam and they’re not just friends. Ayon kay Kris, kung magkaibigan lang talaga sila ay mapag-uusapan nila ang mga ganung bagay.

Pinahahalagahan diumano ni Sam ang friendship nila ni Shaina. Dagdag pa niya, “I’m very happy where our friendship has come.” Pero hanggang friends nga lang ba talaga sila ni Shaina? Matapat na sagot ni Sam ay, “friends na pwede mag-grow.”

Ang kanta ni Sam for Shaina ay “Titanium” dahil diumano naging paborito ito ni Shaina at naalala niya si Shaina with that song. Naalala naman ni Kris na noong si Sam at Anne pa, ang kanta nito for Anne ay “Say Something.”