• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla confirms another teleserye and movie with Kathryn Bernardo

Daniel Padilla confirms another teleserye and movie with Kathryn Bernardo

Daniel Padilla will be doing a movie and a teleserye with Kathryn Bernardo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/2/2014 12:00 AM
Daniel Padilla confirms another teleserye and movie with Kathryn Bernardo


090214-DJ_main.jpgNoong Agosto 28, ay pumirma si Daniel Padilla ng two-year, two-picture contract sa Star Cinema at dito niya nga kinumpirma ang kanyang unang gagawing pelikula ay kasama si Kathryn Bernardo matapos ang kanilang box-office na pelikulang She’s Dating The Gangster. “Itong isang movie naming na next namin ni Kathryn magkasama ulit kami at masaya kong sinasabi na Direk Cathy (Garcia-Molina) po ulit ang direktor.

Matagal nang kumakalat ang balita na silang dalawa ni Kathryn ang gaganap sa pinaplanong remake na hit teleseryeng Pangako sa ‘yo na pinagbidahan noon ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Kaya naman sa pagkumpirma ni Daniel na muli silang mapapanood ng ka-love team sa telebisyon, agad na natanong kung itong serye ba na ito ang kanilang gagawin. “Ngayon hindi pa ako sigurado talaga. Hindi ko alam kung ano pa kasi wala pa kaming meeting na [kung] gagawin namin yung telesryeng yun ang alam ko lang eh may teleserye kaming gagawin na kasama si Kathryn sa first quarter yan ng 2015 at yung direktor namin si Direk Rory po ulit.” Una nilang nakatrabaho si Direk Rory Quintos sa teleserye nilang Princess and I.

Matapos ang serye na Got To Believe, ang kanyang concert sa Araneta, ang bago niyang album, pelikulang She’s Dating The Gangster at napakarami pang iba, ngayon na lang mas nakakaluwag-luwag sa schedule at mas nakakapahinga ang Teen King. Kwento ni Daniel, “Nakakapagpahinga na ako, masaya naman kasi nakakapag-concentrate na kami sa bahay tapos nakapagbakasyon din kami ni Kathryn. Lumabas-labas din kami at sulit naman kahit itong tinatrabaho masaya dahil nung gumagawa kami ng palabas o kapag show hindi namin napupuntahan yung ibang lugar so ngayon napupuntahan namin at nababalikan namin sila. Happy naman kami.” Sa kasalukuyan ay mas abala sina Daniel at Kathryn sa mga concerts and shows sa ibang bansa.