Matteo Guidicelli denies lovers’ spat with Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli is proud of Sarah Geronimo, denies ‘tampuhan’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/8/2014 9:10 AM
Matteo Guidicelli denies lovers’ spat with Sarah Geronimo


080814-matteo1_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, natanong si Matteo Guidicelli tungkol diumano sa tampuhan nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo dahil sa hindi ito nakasama sa triathlon challenge sa Cebu kamakailan.

Ayon kay Matteo, busy lang si Sarah. Dagdag pa niya, “I just want to keep work aside from love life. I think its better that way.” Sigurado naman si Matteo na makakasama niya si Sarah sa mga fitness activities sa Manila.

Pasok din si Sarah at Matteo sa YES! Magazine 100 Beautiful Stars. “Very proud” diumano si Matteo kay Sarah. "I always tell her she's beautiful; she doesn't believe me. But the whole country is telling her now, so she has to believe, hindi ba? Not just the whole country but the whole world.”

Gaganap din bilang lalaking naghahanap ng pag-ibig si Matteo sa pelikulang Somebody to Love.