• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman says he’s tired rehashing his past with Jessy Mendiola

JM De Guzman says he’s tired rehashing his past with Jessy Mendiola

JM De Guzman reacts to what Jessy Mendiola’s comments about him.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/9/2014 3:00 AM
JM De Guzman says he’s tired rehashing his past with Jessy Mendiola


080914-jm_main.jpgSa Aquno and Abunda Tonight, nakapanayan nila ang tinaguriang  “Comeback Kid” na si JM De Guzman. Sinabi ni JM na masaya ang kanyang pamilya sa paglabas niya sa The Buzz noong Linggo at pag-amin sa kanyang pinagdaanang paggamit ng droga at pagpa-rehab.

Lalabas si JM sa Ipaglaban Mo at aminado si JM na “nangapa” siya sa first few scenes at sa first big scene. Sobrang kabado diumano ang aktor. 

Hindi pa raw sila nag-uusap ng dati niyang kasintahan na si Jessy Mendiola at kung magkaroon ng pagkakataon gusto ni JM maka-trabaho muli si Jessy. Ngunit, ayon kay JM, ayaw na rin niyang ibalik ang nakaraan dahil “nakakapagod na.” Nang tanungin kung saan siya napapagod, ayon kay JM, napapagod lang siya in general kapag inuungkat ang nakaraan at mas gustong niyang “mag-move forward na.”

Sa kasalukuyan ay may “five days out” si JM sa rehab, at gradually mababawasan ang kanyang pag-stay doon para tuluyang makalabas na.

Pinuri ni Kris Aquino at Boy Abunda ang magandang boses ni JM. Nabanggit ni Boy ang pagbibigay ni JM ng on the spot performances. Kinwento ni JM na kinantahan niya ang ate niya sa isang restaurant dahil kauuwi lang nito galing Melbourne, at nakunan lang diumano ito ng video.

Ikinatuwa din ng mga hosts ang pagiging “desirable and hot” ni JM. Hindi raw ito pumangit katulad ng iba na nanggaling sa paggamit ng droga.

Nang tanungin kung paano binago ng rehab ang buhay niya, sinabi ni JM na sa rehab siya natuto ng “disiplina.”