• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla and Kathryn Bernardo share their thoughts on the success of their movie

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo share their thoughts on the success of their movie

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are extremely happy with the success of their biggest movie to date and share that the most important thing is that they were able to touch others through their fil

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/9/2014 4:48 AM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo share their thoughts on the success of their movie


080814-kathniel_updates.jpgKamakailan ay nagkaroon ng victory party ng pelikulang She’s Dating the Gangster na umabot na sa 260 million pesos ang kinita sa takilya. Ito na ang masasabing pinakamalaking tagumpay sa pelikula ng tambalan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naging emosyonal pa sa speech ni Daniel si Kathryn na hindi na rin napigilang mapaluha sa saya.

Sa speech ni Kathryn sa harap ng mga nakasama nila sa pelikula, pinuri niya si DJ sa galing na ipinakita nito sa kanilang pelikula. Aniya, “Ang galing mo, ang galing niya sa movie na ito.”

Kaya naman ng makapanayam ng Push ang dalawa kasama ang ibang press tungkol sa malaking tagumpay na narating ng kanilang pelikula, masaya lang talaga ang dalawa sa kinalabasan ng kanilang pinaghirapan. Pagbabahagi ni Kathryn, “Super duper saya ng pakiramdam, sobrang saya talaga at ano siguro, aside dun sa masaya, nakaka-proud yung movie na ito. First time talaga naming ni DJ na yung movie ganito kalaki and yun, gusto ko kasi yung mga feedbacks ng tao at marami kaming napasaya kahit yung mga matanda sa movie na ito. Yun talaga yung goal namin at masaya kami kasi naggawa naman namin.”

Matapos ang pelikulang ito, marami na ang nag-aabang sa susunod na pagtatambalang proyekto ng dalawa. Ngunit sa ngayon, aminado si Daniel na wala pang nasasabi sa kanila. “Ayun, wala pa so far wala pang sinasabi. Ang nababanggit lang po ang teleserye, yun pa lang ang nababalitaan namin pero wala pang final kung ano.” At sa ngayon ay pahinga muna ang dalawa mula sa sunod-sunod at dire-diretsong trabaho. “Yes, pahinga muna.”

Kahit regalo sa sarili ay hindi pa naiisip ng dalawa. “Wala muna, mas pahinga lang ang nasa isip namin,” ang sagot ni Daniel.

Napakahalaga ng naging tagumpay ng pelikulang ito sa dalawa, dahil para kay Kathryn, hindi matatawaran ang naiwan nitong marka sa mga manonood. “Siguro masasabi ko na successful ang isang movie kapag maraming nakakaapreciate ng movie na ginawa mo, maraming na-inspire, tapos magaganda yung feedbacks nila, feeling ko dun mo masasabi na ang movie talaga successful.”

Para kay Daniel naman, bawing-bawi ang lahat ng ginawa ng mga tao sa likod at harap ng camera para makapagbigay ng magandang pelikula. At ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa tagumpay ng kanilang pelikula. “Siyempre masaya kasi unang-una kahit sino namang tao na magkaroon ng isang successful na movie talaga namang magiging masaya. Kami ngayon sobrang nagpapasalamat sa mga taong nanood, lahat ng sumuporta at lahat ng pinagod naming ay nabawi so sobrang saya lang kami ngayon at kumpleto kami ngayon at complete kami sa loob namin na masaya kami.”