• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Ferdinand Topacio talks about Deniece Cornejo’s dad, clears up issue about being gay

Atty. Ferdinand Topacio talks about Deniece Cornejo’s dad, clears up issue about being gay

Atty. Ferdinand Topacio talks about Deniece Cornejo, her Dad and clears issue about being “gay”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/8/2014 9:00 AM
Atty. Ferdinand Topacio talks about Deniece Cornejo’s dad, clears up issue about being gay


080814-topacio_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, muling bumisita si Ferdinand Topacio para bigyang linaw ang mga katanungan tungkol sa kanyang kliyente na si Deniece Cornejo. Tinuldukan na rin ni Atty. Topacio ang issue tungkol diumano sa kanyang pagiging “bakla.”

Ayon kay Atty. Topacio, naghain sila kaagad ng motion for reconsideration kaya hindi kaagad nailipat sa regular na kulungan si Deniece. Ayaw ng kampo nila na ma-transfer si Deniece ng kulungan dahil na rin sa takot nila na bweltahan ito ng mga taga-suporta ng aktor na si Vhong Navarro. 

Pangalawa diumano ay hindi pa naman “convict” si Deniece, kundi isa pa lang “detention prisoner.” Ibig sabihin kaya lamang ito nakakulong ay “wala pang pinapayagang bail at siya ay nililitis pa.” 

Ang pagkakapiit ni Deniece ay may kinalaman sa serious illegal detention at grave coercion cases ni Vhong laban sa kampo ni Deniece at Cedric Lee, nang si Navarro ay mabugbog noong January.

Ayon kay Atty. Topacio, hindi special treatment ang habol ng kampo nila dahil napakainit nga raw ng selda ngayon ni Deniece sa puder ng Criminal Investigation and Detection Group.

Ikinwento ni Atty. Topacio na ang ama ni Deniece na si Dennis ay service crew sa isang cruise liner. Ang official designation diumano nito ay Senior Head Waiter. Dagdag pa ni Atty. Topacio, “He has been with (his company) for 16 years and he worked his way to the top.” Bukod sa kontrata niya, hindi nakababa si Dennis ng barko para dahil kailangan nito kumita ng pera para tulungan si Deniece. May mga oras diumano na “He wanted to jump overboard” sa kagustuhan nito na makita at madamayan ang anak.

Nang tanungin tungkol sa mga dismissed rape cases ni Deniece laban kay Vhong, sinabi ni Atty. Topacio na hindi siya ang may hawak ng mga kasong yun kaya ayaw niyang magsalita tungkol dito.

Bakla nga ba si Atty. Topacio?  Sagot niya ay, “Oo. I’m an honorary gay and I’m proud of it.” May asawa si Atty. Topacio at meron silang dalawang anak. Okay lang din sa kanya ang matawag na bakla dahil “there’s nothing wrong with being gay.”