• Home
  • Fresh Scoops
  • Mommy Dionisia Pacquiao talks about love and her new boyfriend Michael

Mommy Dionisia Pacquiao talks about love and her new boyfriend Michael

Mommy Dionisia Pacquiao gives love advice, says she’s not living in with boyfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/7/2014 9:40 AM
Mommy Dionisia Pacquiao talks about love and her new boyfriend Michael


080714-mommyd_main.jpgSa ulat para sa Bandila, matapos mag-deny, inamin na rin ni Mommy Dionisia Pacquiao na may boyfriend na siya. Ito ay si Michael, na escort ni Mommy D noong 65th birthday niya noong May.

Ayon kay Mommy D, mabait si Michael kaya pinansin niya ito. Dagdag pa ni Mommy D, hindi pa seryoso ang kanilang relationship ni Michael at hindi pa rin sila nagsasama sa iisang bahay.

Ganunpaman, aminado si Mommy D na bukod sa hindi pa siya legal na hiwalay sa kanyang unang asawa ay takot din siyang masaktan muli sa pag-ibig. Naranasan daw niya ito sa ama nila Manny. “Pinakamasakit ang pagtaksilan ka, napakasakit talaga, muntik akong magpakamatay sa una.”

Naisama na niya si Michael sa bahay nila Manny ngunit hindi niya ito pinakilala kay Manny. Bukod kasi sa nahihiya si Michael, ay hindi naman daw ito hinaharap ni Manny. 

Nauna na noon ipinahayag ni Manny ang pag-aalinlangan nito na magkaroon ng karelasyon si Mommy D. Si Jinkee naman nagpahayag ng suporta sa kung ano man ang makakapagpasaya sa kanyang mother-in-law.

Handa si Mommy D sa isang long distance relationship kasi balak diumano mag-abroad ni Michael. At mayroon pang pahabol na payo si Mommy D sa mga nagmamahal, “Magtira ka ng para sa iyong katawan, para sa utak mo, para sa katawan mo. Hindi mo ibuhos sa lalaki, hindi mo ibuhos sa boyfriend boyfriend.”