Boy Abunda feels for Deniece Cornejo’s dad

Boy Abunda reveals why his heart goes out to Deniece Cornejo’s dad.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/7/2014 9:42 AM
Boy Abunda feels for Deniece Cornejo’s dad


080714-boy_main.jpgSa ulat sa Aquino and Abunda Tonight, inilipat ng bandang 1 pm ng August 6 sina Cedric Lee at si Simeon Raz Jr. sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig. Nanggaling sila sa headquarters ng National Bureau of Investigation. Inilipat sila ng kulungan matapos ibasura ng Taguig Regional Trial Court ang petisyon ng kampo ni Cedric at Deniece na ‘wag silang ilipat sa regular na kulungan.

Samantala si Deniece ay nanatili sa pangangalaga ng Criminal Investigation and Detection Group. Nag-file diumano ang kampo ni Deniece ng motion for reconsideration kaya napag-desisyonan ng CIDG na hintayin na muna ang desisyon sa petisyon ni Deniece bago nila ilipat si Deniece sa BJMP female dormitory ng Camp Bagong Diwa.

Dinalaw rin si Deniece noong August 5 ng kanyang Ama na isang taon siyang hindi nakita dahil nasa barko ito.

Ayon sa host na si Boy Abunda naantig ang kanyang puso sa istoryang ito ng tatay ni Deniece sapagka’t helpless ito nang mga panahon na gusto nitong damayan ang kanyang anak na babae.