• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales says her boyfriend is willing to wait ten years for her

Erich Gonzales says her boyfriend is willing to wait ten years for her

Erich Gonzales reveals why she needs ten years more before she settles down.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/6/2014 9:20 AM
Erich Gonzales says her boyfriend is willing to wait ten years for her


080614-erich_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, hindi naging problema para kay Erich Gonzales at sa kanyang non-showbiz boyfriend ang mga daring scenes ni Erich sa kanyang latest movie na Once A Princess.

Ayon kay Erich swerte siya dahil naiintindihan ng kanyang boyfriend na trabaho lang iyon. Willing rin ito maghintay ng ten years bago sila magpakasal at magkaroon ng pamilya. Ten years din ang age difference ni Erich at ng kanyang boyfriend pero okay lang iyon sabi ni Erich dahil “he looks young anyway!” Marami pa kasing gustong gawin si Erich katulad ng mga movies at teleserye at hindi pa siya ready mag-settle down.

Sa mga nakakakilala sa boyfriend ni Erich ay mukhang Korean pop star daw ito kaya naman ayon kay Erich “he’s my Korean Super Star.” 

Pinansin din ni Kris Aquino at Boy Abunda ang slim figure ni Erich. Ayon kay Erich, mahilig siya sa sweets and “I eat what I want.” Bihira lang din siya kumain ng “chichirya.” Nasa genes na rin daw ang pagiging slim niya.

Napakaswerte diumano ni Erich dahil nai-direk siya ng isang Laurice Guillen. Ayon kay Erich, napaka-motherly ni Direk Laurice bilang director. Gina-guide sila ngunit binibigyan din sila nito ng “freedom atakehen ang isang eksena.” Kinabahan si Erich nang malaman niya na si Direk Laurice ang magiging director nila dahil alam niya na napakagaling nito. 

Napag-usapan ang shoot ni Erich sa South Africa kasama sila Kathryn Bernardo, Julia Montes at Maja Salvador. Tinanong ni Boy kung bakit naging pinaka-close si Erich kay Kathryn, sagot naman ni Erich ay dahil “very eager” si Kathryn. Kung kaya raw siguro tinaguriang “Teen Queen” si Kathryn, dahil sa pinapakita nitong enthusiasm para sa craft at sa industriyang ginagalawan nila.