Deniece Cornejo gets emotional over a visit from her dad

Deniece Cornejo reunites with her dad, Taguig RTC junks Cornejo and Cedric Lee’s petition.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/6/2014 9:10 AM
Deniece Cornejo gets emotional over a visit from her dad


080614-deniece_main.jpgSa ulat sa Bandila, ibinasura na ng Taguig Regional Trial Court ang petisyon ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na ‘wag silang ilipat sa regular na kulungan.

Kasalukuyang nakakulong si Cornejo sa Criminal Investigation and Detection Group at si Lee at Simeon Raz Jr. naman sa National Bureau of Investigation. Ang kanilang petisyon ay may kaugnayan sa mga kasong Serious Illegal Detention at Grave Coercion na kinakaharap nila para sa diumano’y pambubugbog ng grupo ni Lee sa host-actor na si Vhong Navarro noong Enero.

Emosyonal naman si Cornejo nang dalawin siya ng kanyang ama na may isang taon na niyang hindi nakikita. Ayon sa lolo ni Deniece na si Rod Cornejo, malapit si Deniece sa kanyang Ama. Dagdag pa ni Rod, mabigat daw para sa ama ni Deniece na hindi ito “nakapagbigay ng depensa at hindi nakapakita ng moral support” sa kanyang anak noong mga oras na kailangan siya nito.

Nagta-trabaho ang ama ni Deniece sa barko sa ibang bansa. Humingi rin ng paumanhin ang pamilya ni Deniece dahil hindi na nagpa-interview ang kanyang ama.