• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, Anne Curtis at KC Concepcion, una sa listahan ng mga gustong maka-partner ni Daniel Matsun

Kim Chiu, Anne Curtis at KC Concepcion, una sa listahan ng mga gustong maka-partner ni Daniel Matsun

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

9/1/2014 12:25 AM
Kim Chiu, Anne Curtis at KC Concepcion, una sa listahan ng mga gustong maka-partner ni Daniel Matsun


083014-daniel123456_main.jpgSa ginanap na Trade Launch ng ABS-CBN noong nakaraang Huwebes, for the first time ay naranasan daw ni PBB All In Big Winner Daniel Matsunaga ang ganoong klase ng event. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw talaga siya makapaniwala sa atensyon at pagmamahal na natatanggap niya mula sa mga Pinoy.

Grabe, parang everything changed for the better. Talagang sobrang baliw dun sa loob ng bahay grabe, nakakabaliw doon and talagang dito, I miss so much everybody. To see real people, sobrang saya grabe sobrang overwhelming yung love na binigay nila sa akin. I really appreciate it sobrang thankful to God also you know, He brought me to the Philippines and it happened for a reason so sobra sobrang saya,” sabi ni Dandan.

Sa pagbabalik taping niya rin sa Kris TV ay na-witness ko kung gaano siya ka-thankful sa mga tao. Kasi talagang kahit malayo at hinarangan ng mall guards yung mga nanunuod ng taping, lalapitan niya ang mga ito para makipagkamay at magpasalamat sa pagsuporta sa kanya.

Ano naman ba ang naghihintay na projects para sa latest PBB Big Winner?

“Looks like I have two movies coming soon and one soap opera,” excited na kwento ni Dandan. Syempre ang usual na follow up question, sino naman ang gusto niyang makapareha?

Ako si Kim Chiu, Anne, KC Concepcion.. kahit sino ako naman I’m really happy to be here in my position right now and sobrang, sobrang thankful. Sobra daming blessings.”

Congrats again Dandan! Hoping to see more of you ngayon sa Kapamilya Network.