Kontrabida Actor, iniiwasan dahil bastos?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

8/3/2014 11:02 PM
Kontrabida Actor, iniiwasan dahil bastos?


080314-blinditem02_main.jpgParang gusto kong hulaan ang ipinost na status ng isang magandang aktres sa kanyang facebook account tungkol sa kabastusan ng isang character actor na kasama niya sa isang teleserye at ang insidenteng 'yon ay nakaabot na sa network management at naghihintay na lang ng "resolution."

Siyempre, ni-research ko ang naturang pangyayari two days ago at heto't isang staff ang nakausap ko, at ayon dito, "Bastos po talaga 'yan.  Nu'ng una, kinakausap pa siya ni CA (Character Actress), pero habang tumatagal, kung ano-ano nang pagpaparinig ang ginagawa.

"Nu'ng araw pa po pala 'yon, Tito Ogs.  Crush na ni Kontrabida (Character Actor) si CA. Panay ang palipad hangin. Pero two days ago nga, grabe na. Nagpaparinig na iiwan daw niya ang asawa niya para kay CA. Nagsisisi daw siya kasi hindi nga niya niligawan noon si CA.

"Tapos, ang nakakalokah pa, nagpaparinig ng, 'Antigas na naman nitong akin.' Ganyan.  Nakakadiri talaga siya.  Sa isang eksena po, Tito Ogie, nag-adlib pa siya ng, 'Lika, shower na tayo!' na hindi naman akma sa eksena. Narinig na lang ng staff si CA na napasabi ng, 'Yuck!!!'


"Eh, hinihintay na nga lang ni CA na isa pang hirit eh talagang sasampalin na niya si Kontrabida.  Buti kamo, nahalata na ni Kontrabida na hindi na natutuwa si CA at hindi na rin siya kinakausap at tinitingnan, kaya behaved na rin siya.


"Kaibigan n'yo ba 'yon, Tito Ogie?  Sabihan n'yo naman.  Bali-baliko na nga ang mga daliri niya sa gout, hindi pa ba karma niya 'yon?  Sana, nabigyan na siya ng second chance dahil mahusay naman siyang umarte talaga, 'wag na niyang sayangin.

"Kasi, once may artistang babaeng magsumbong na binabastos siya ng artista at mabalitaan 'yon ng iba,  baka matakot na silang makatrabaho siya, eh lalo siyang mawawalan ng trabaho."


Oh, well... hindi pa naman huli ang lahat.  Sana nga ay magbago na ang Kontrabidang ito, dahil true, ang husay niyang artista. Pero kahit anong husay mo dyan kung iniiwasan ka na ng marami na makatrabaho eh wala.  Nganganga ka na lang dyan sa bahay.