• Home
  • Fresh Scoops
  • Vickie Rushton admits Jason Abalos has doubts about what she really feels for Daniel Matsunaga

Vickie Rushton admits Jason Abalos has doubts about what she really feels for Daniel Matsunaga

Vickie says she is going to work hard to fix her relationship with Jason.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/29/2014 9:34 AM
Vickie Rushton admits Jason Abalos has doubts about what she really feels for Daniel Matsunaga


082914-vicki_main.pngSa Aquino and Abunda Tonight, matapang na binahagi ni Pinoy Big Brother 4th Big Placer Vickie Rushton ang latest na kaganapan sa kanila ng kanyang celebrity boyfriend na si Jason Abalos.

Una, ibinahagi nito kung gaano kabait si Jason sa kanyang pamilya. Diumano, tumuloy ang Mom at kapatid ni Vickie sa bahay ng actor ng dalawang araw habang sila ay nasa Manila. Nag-host din ng isang surprise dinner si Jason sa bahay nito Lunes ng gabi, August 25, para kay Vickie at sa pamilya nito. Sinabi rin ni Vickie na magkaibigan pa lang sila ni Jason ay lumilipad na ito papuntang Bacolod para lang makasama ang pamilya niya.

 Gusto ng mom ni Vickie si Jason. Bukod dito, gusto ni Vickie na mabait si Jason sa mom niya. Bulag ang ina ni Vickie at nakikita niya raw si Jason na gina-guide ang nanay niya.

Tinanong ni Kris kung bakit noong Big Night ay nilalayuan ni Vickie si Jason at umiwas din ito magpahalik sa aktor. Paliwanag ni Vickie hindi kasi noon nag-smile si Jason kaya naalangan siya sa binata pero niyakap naman daw niya ang aktor. Isa pa diumano, na-excite si Vickie nang makita niya ang mga ex-housemates.

Sinabi rin diumano ni Jason kay Vickie na kailangan isang linggo sila mag-usap. Kuwento naman ni Vickie, dalawang gabi pa lang sila nakakapag-usap ni Jason.

Matapat na sinabi ni Vickie kay Kris na diretsa siyang tinanong ni Jason kung may feelings siya para kay Big Winner na si Daniel Matsunaga, na na-link sa kanya habang siya ay nasa bahay ni Kuya. Tanong ni Kris kay Vickie, wala ba talaga siyang gusto kay Daniel? “Wala talaga,” sagot ng ex-housemate.

Giit ni Kris, “Bakit kami na-feel naming parang meron?” Ayon kay Vickie, natutuwa lang siya kay Daniel dahil naging maalaga ito at lagi siyang tinutulungan sa mga tasks. Inamin din ni Vickie na may “doubts” pa rin si Jason, lalo na’t ayon kay Vickie, “’di ko pa siya masyadong nare-reassure.” Dagdag pa ni Vickie, “na-hurt pa rin siya.” Kaya naman gusto niya raw bumawi kay Jason.

Binuking ni Kris na may surprise si Jason kay Vickie, ngunit nagulat at “kinilig” ang Queen of All Media nang malaman na isang “brand new” Honda car ang surpresa ni Jason for Vickie. Nalaman ni Vickie kay Alex Gonzaga na naghanap na ng kotse si Jason na ibibigay sa kanya pagkapasok pa lang niya ng bahay ni Kuya. Pinayo naman ni Kris kay Vickie na maging “nice” siya kay Jason at wag silang mag-give up because they love each other. “Since you love each other, hold on,” sabi ng host.  

Pwede pa kayang maging kaibigan ni Vickie si Daniel? Sagot ni Vickie ay “Oo,” kasi okay naman si Jason at Daniel at nag-uusap naman ang dalawa kapag nagkikita ito. 

Nagbigay ng mensahe si Vickie para kay Jason, “Baba, promise na babawi ako. Susubukan ko na maayos tayo and alam ko in time maaayos ‘to. I love you.”