• Home
  • Fresh Scoops
  • Morissette Amon speaks up about comparison to Sarah Geronimo

Morissette Amon speaks up about comparison to Sarah Geronimo

Morissette Amon is confident of what she can do more than being compared to Sarah Geronimo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/29/2014 9:36 AM
Morissette Amon speaks up about comparison to Sarah Geronimo


082914-morisette_main.pngKamakailan ay pumirma ang The Voice of the Philippines alumni na si Morissette Amon ng recording artist agreement at one album deal sa Star Music. Hindi na nga maikakailang sunod-sunod ang mga magagandang nangyayari sa singer mula sa pagkanta ng themesong ng katatapos lang na teleseryeng Moon Of Desire hanggang sa duet nila ng international recording artist na si Jessy J nang mag-concert ang pop star dito sa Pilipinas, ngayon nga ay tinatrabaho na ang kanyang launching album. 

Noon pa man ay naikukumpara si Morissette sa kanyang The Voice coach na si Sarah Geronimo. Kaya naman sa tanong na kung siya na nga ang magiging sagot ng Star Music bilang katapat ng Popstar Princess, ayon kay Jonathan Manalo, ang Audio Content Head ng Star Music, “Hindi naman siya answer, actually coach niya nga si Sarah so talagang huge influence sa kanyang singing style si Sarah G and sige, what can I say. Siguro hindi answer, baka safe pa to say na the next Sarah G.”

Dahil sa patuloy na pangungumpara sa kanila ng Popstar Princess, natanong siya ng Push kung naihanda na ba ni Morissette ang sarili sa mga kontrobersiya at intriga na kalakip ng pagpasok sa showbiz lalo pa ngayon na si Sarah Geonimo ang pilit na inihahambing pa sa kanya. “Actually before dream ko pa lang talaga na to be a singer, to be a performer at alam ko naman na sa family namin ito talaga yung mga pagdadaanan namin, yung mga controversies sa industry so parang yeah, as time went by I was able to condition myself na ito talaga, maco-compare ka kay Sarah kasi influence mo talaga siya, wala kang magawa dun. You just have to find yourself, you just have to find something different from being Sarah and try top stop people from telling you that you are just the second Sarah, a clone, I think I am more than that and yun, kaya naman.” 

Nang matanong kung ano ang pagakakaiba sniya a kanyang coach na si Sarah, “As of now kasi dati nagbibirit si Ate Sarah ngayon she is slowly relaxing her voice and she is exploring more of what she can do. Ako, I am still looking at nadiscover ko na nagwhiwhistle ako, na I think hindi ko pa rin narinig si Coach na nag-whistle tapos I have also done theater dati na I think is also an edge.” 

Sa pangungumpara sa kanya kay Sarah, aminado si Morisette na may masakit para sa kanya na hindi napapansin ang kanyang sariling talento lalo na sa pagkanta. “At first, ‘Wow! Compared ako sa idol ko!Kasi idol na idol ko si Sarah, as time went by parang mahihirapan ata tayo sa pagbubuild up sa sarili ko kaya medyo nasasaktan din pero constructive criticisms, let them all in, ayun. I’ll try to look for myself better.” 

Aminado din ang 18-year-old singer na malaki ang pressure na kanyang nararamdaman sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa kanyang karera ngayon, maliban sa pagpirma ng kontrata sa Star Music, concerts at performances na kanyang gagawin, marami ding plano sa kanya tulad ng pagpasok niya sa Asian market, ayon sa kanyang manager na si Carlo Orosa. Kaya naman sa lahat ng ito ang nasabi na lamang ni Morissette kung gaano katindi ang pressure na kanyang nararamadaman. “Marami po hindi niyo lang alam, sobra. Parang, ‘Okay, kaya ko ito!’”