Noon
pa man ay naikukumpara si Morissette sa kanyang The Voice coach na si
Sarah Geronimo. Kaya naman sa tanong na kung siya na nga ang magiging
sagot ng Star Music bilang katapat ng Popstar Princess, ayon kay
Jonathan Manalo, ang Audio Content Head ng Star Music, “Hindi naman siya
answer, actually coach niya nga si Sarah so talagang huge influence sa
kanyang singing style si Sarah G and sige, what can I say. Siguro hindi
answer, baka safe pa to say na the next Sarah G.”
Dahil
sa patuloy na pangungumpara sa kanila ng Popstar Princess, natanong
siya ng Push kung naihanda na ba ni Morissette ang sarili sa mga
kontrobersiya at intriga na kalakip ng pagpasok sa showbiz lalo pa
ngayon na si Sarah Geonimo ang pilit na inihahambing pa sa kanya.
“Actually before dream ko pa lang talaga na to be a singer, to be a performer at alam ko naman na sa family namin ito talaga yung mga pagdadaanan namin, yung mga controversies sa industry so parang yeah, as time went by I was able to condition myself na ito talaga, maco-compare ka kay Sarah kasi influence mo talaga siya, wala kang magawa dun.
You just have to find yourself, you just have to find something
different from being Sarah and try top stop people from telling you that
you are just the second Sarah, a clone, I think I am more than that and
yun, kaya naman.”
Nang matanong kung ano ang pagakakaiba sniya a kanyang coach na si Sarah, “As of now kasi dati nagbibirit si Ate Sarah ngayon she is slowly relaxing her voice and she is exploring more of what she can do. Ako, I am still looking at nadiscover ko na nagwhiwhistle ako, na I think hindi ko pa rin narinig si Coach na nag-whistle tapos I have also done theater dati na I think is also an edge.”
Sa
pangungumpara sa kanya kay Sarah, aminado si Morisette na may masakit
para sa kanya na hindi napapansin ang kanyang sariling talento lalo na
sa pagkanta. “At first, ‘Wow! Compared ako sa idol ko!’ Kasi idol na idol ko si Sarah, as time went by parang mahihirapan ata tayo sa pagbubuild up sa sarili ko kaya medyo nasasaktan din pero constructive criticisms, let them all in, ayun. I’ll try to look for myself better.”
Aminado
din ang 18-year-old singer na malaki ang pressure na kanyang
nararamdaman sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa kanyang karera
ngayon, maliban sa pagpirma ng kontrata sa Star Music, concerts at
performances na kanyang gagawin, marami ding plano sa kanya tulad ng
pagpasok niya sa Asian market, ayon sa kanyang manager na si Carlo
Orosa. Kaya naman sa lahat ng ito ang nasabi na lamang ni Morissette
kung gaano katindi ang pressure na kanyang nararamadaman. “Marami po hindi niyo lang alam, sobra. Parang, ‘Okay, kaya ko ito!’”