Noong 2005, naakusahan si Roldan bilang mastermind sa pangingidnap ng isang three year-old Filipino Chinese. Humingi ng Php250,000 ransom ang mga kidnappers sa pamilya ng biktima.
Noong 2006, nakalabas ng kulungan si Roldan matapos ito payagan ng korte na makapag-pyansa ng kalahating milyong piso. Noong 2008 naman, kinilala ng bata si Roldan bilang mastermind ng pangingidnap sa kanya.
Bukod sa hatol na Reclusion Perpetua, pinagbabayad ng Php300, 000 na danyos si Roldan at dalawa pa nitong kasama na nahatulan. Dinala agad sa New Bilibid Prison ng Muntinlupa si Roldan at mga kasama nito.
Magpa-file naman ng petisyon sa Court of Appeals ang kampo ni Roldan. Sinabi ni Roldan na malungkot siya sa naging desisyon lalo pa’t ang humatol na judge ay iba sa judge na nagdinig ng kaso. Ngunit naniniwala pa rin si Roldan na may dahilan ang Diyos kung bakit niya pinagdaraanan ang pagsubok na ito.
Ayon pa sa balita, noong mga nakaraang taon naging Pastor si Roldan at bumuo ito ng isang Christian church group.
Ama si Roldan ng young kapamilya actor na si Marco Gumabao at ng volleyball star at PBB housemate na si Michelle Gumabao.
Nagpaabot ng pasasalamt ang asawa ni Roldan sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang pamilya. Sinabi din niya na isa itong pagsubok sa pamilya nila pero naniniwala siyang “God knows best.”