• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio admits disappointment at not being part of the Big Four

Loisa Andalio admits disappointment at not being part of the Big Four

Loisa Andalio reveals what she feels at not being part of the Big Four

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/30/2014 2:29 AM
Loisa Andalio admits disappointment at not being part of the Big Four


083014-loisa_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, naging issue ang hindi madalas na pagpaligo ni Pinoy Big Brother All In housemate Loisa Andalio noong siya ay nasa bahay ni Kuya. Sa naunang interview sa kanya ng host na si Kris Aquino, sinabi ni Loisa na naliligo naman siya ngunit hirap siyang maligo dahil sa sobrang lamig sa bahay ni Kuya.
 
Kaya naman unang tinanong ni Kris kung nakakapag-shower na si Loisa nang mas madalas ngayong nasa labas na ito ng bahay ni Kuya at sinabi ni Loisa na "oo."
 
Napag-usapan rin ang first teleserye role na gaganapan ni Loisa. Kasama niya sa teleseryeng ito ang PBB housemates na si Jane Oineza at Joshua Garcia. Sinabi ni Loisa na gaganampanan niya ang isang role ng anak na tahimik at masunurin.
 
Tinanong si Losa kung bibigyan niya ng pag-asa si Joshua kung sakaling ligawan siya nito kapag 16 years old na siya. Ani Loisa, "ayoko po, kailangan ko munang pag-tuunan ang talent ko."
 
Hindi naman kinaila ni Loisa na disappointed siya nang hindi siya nakasama sa Big Four pero talagang hanggang dun lang diumano ang journey niya "dahil yun ang binigay ni God."
 
Malaki rin ang pinagbago sa pagsasama ng parents ni Loisa. Matatandaaan na nagbukas si Loisa ng saloobin sa bahay ni Kuya tungkol sa hindi magandang samahan ng mga magulang niya. Kung kaya inimbitahan ni Kuya ang Papa ni Loisa para makapag-usap nang masinsinan ang mag-ama.
 
Nagpasalamat din si Loisa sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.