Joseph Marco says Arjo Atayde did not ask Alex to the Ball.

Joseph Marco says Arjo Atayde did not ask Alex to the Ball.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/30/2014 2:32 AM
Joseph Marco says Arjo Atayde did not ask Alex to the Ball.


083014-joseph_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kinuwento ni Joseph Marco na niyaya niya as date sa Star Magic Ball ang kanyang leading lady sa 'Pure Love' na si Alex Gonazaga. Masaya namang sinabi ni Joseph na," she said 'yes.' Dagdag ni pa ni Joseph, hindi niya diumano alam kung paano niya tatanungin in person ang host-comedienne kung kaya "I just texted her."
 
Sinabi ni Joseph na magkikita na lang sila ni Alex sa ball at agad naman siyang  pinayuhan ni Kris na daanan si Alex at  "harapin mo si Mommy Pinty at Daddy Bonoy." Iko-consider naman diumano ni Joseph ang payo ni Kris.
 
Tinanong ni Kris kung ano ang nararamdaman ni Arjo Atayde na date ni Joseph si Alex, dahil diumano 'Arjo also likes Alex.' Sagot naman ni Joseph, "I don't think in-ask ni Arjo si Alex."
 
Ngunit hindi pa naman daw nililigawan ni Joseph si Alex. “Right now we’re love teams and getting to know (each other.)”
 
Pinasalamatan ni Joseph ang mga nanood ng pelikulang 'Talk Back and You're Dead' kung saan ginanapan niya ang character ni 'Red.'
 
Isa namang makahulugang 'good luck' ang binitawan ni Kris para kay Joseph sa pagtatapos ng interview. "Good luck kay Alex, Good luck kay Toni (Gonzaga)."