Maganda pero Maarte?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

8/28/2014 5:52 PM
Maganda pero Maarte?


082814-ogiediaz281408.jpg
Tuwang-tuwa ang isang make-up artist na nakausap ko. Kwento niya, halos lahat ng kasamahan niyang make-up artists ay sobrang happy nu'ng ang ine-expect nila ang nagwagi sa isang reality show.

Ay, baket?

"Actually, Kuya Ogie, kahit nga sino, okay lang, basta wag lang siya. Eh, ang lakas-lakas niya sa mga fans, di ba? Kaya na-tense kami, baka siya ang manalo eh di lalong lumaki ang ulo niyan." 


Baket parang masama loob nilang mga make-up artists?

"Hay, nako, Kuya, kung alam mo lang kung gaano kaarte niyan pag mine-make-apan. Parang siga.

"'Yun ngang mga sikat na, humble pa rin eh. Siya itong may attitude problem. Pag siya na ang me-make apan, parang mabigat ang loob namin. 

"Sa liit naman ng kinikita namin, makakarinig ka pa ng kung anu-ano. Gaya nung minsan, cellphone siya nang cellphone kaya kung nasaan ang mukha niya, ako nag-a-adjust. Ang likot-likot.

"One time, nasa mata na niya ako. Mag-a-eyeliner na ako, nasundot ang mata niya.

"Tapos, sumigaw siya. 'Ouch! Mami, sinundot ang mata ko!' Lapit agad yung mami, bakit ko daw sinundot ang mata ng anak niya.

"Sabi ko talaga, 'Hindi ko po sinundot ang mata ng anak nyo. Napakalikot ng anak nyo, kaya nasundot ang mata niya.'

"Juice ko naman, Kuya Ogie, sa dami ng mine-make-apan ko, wala namang nangyaring ganun. Sa kanya lang talaga. 

"Dahil kahit yung ibang artista, magalaw din naman ang mukha pag nagse-cellphone. Pero pag mata na ang ginagawaan, hindi muna sila magse-cellphone, otomatik, steady ka lang, di ba?

"Napakasinungaling na bata. Iiyak-iyak pa para paniwalaan siya eh siya tong sinungaling! Kahit sa ibang makeup artists, ganyan din siya. Sana, nagbago na siya. Magandang bata, pero sinungaling."

Kahit marami akong naririnig na nega, well, sa akin naman, pag nakikita ko ito at ang parents nito ay napaka-sweet at marespeto. 

So baka naman malaki din ang natutunan nito sa naturang reality show, kaya baka nagbago na. Kasi, mature na.