• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane Oineza friendzones Joshua Garcia; admits she's already talking with Jeron Teng

Jane Oineza friendzones Joshua Garcia; admits she's already talking with Jeron Teng

Jane Oineza says she was clear to Joshua they were just friends.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/28/2014 4:19 AM
Jane Oineza friendzones Joshua Garcia; admits she's already talking with Jeron Teng


082714-jane_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, muli nanamang nalagay sa hot seat ang teen celebrity housemate at 3rd Big Placer na si Jane Oineza.
 
Ngayong nasa labas na sila ng bahay ni Kuya, bibigyan na ba ni Jane ng pag-asa si Joshua Garcia? Giit ni Jane, nilinaw niya kay Joshua na magkaibigan lang sila kaya hanggang dun lang daw iyon.
 
Paano naman kaya ang manliligaw ni Jane na UAAP basketball star na si Jeron Teng? Ayon kay Jane, nag-usap na sila sa pamamagitan ng text messaging ni Jeron. Alam din ni Jane na hindi nanalo ang team ni Jeron na La Salle Green Archers sa laban nila kanina, August 27 dahil kausap niya diumano kanina si Jeron.
 
Tinanong din si Jane kung kelan sila magkikita ni Jeron. “I think soon,” ani Jane. Sa ngayon daw busy pa sila pareho pero nangako si Jane sa binata na manonood siya ng game nito. Sinabi rin ni Jeron kay Jane na unahin na muna nito ang pamilya niya.
 
Puro blessing naman ang nataanggap ni Jane simula ng lumabas siya sa bahay ni Kuya. Kahapon diumano ay nagkaroon sila nina Loisa Andalio at Joshua ng look test para sa isang teleserye kung saan bibida si Jane.
 
Ayon kay Jane, hindi pa niya nababasa lahat ng messages sa phone niya kaya hindi pa siya aware kung gaano siya ka-kontrobersyal noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya.
 
Itinanggi rin ni Jane na labag sa loob niya ang pagiging 3rd Big Placer. Hindi daw siya umasa maging Big Winner kasi hindi rin niya alam ang standing niya sa labas ng bahay ni Kuya.
 
Nagpasalamat si Jane sa mga supporters, family at relatives niya.
 
Pinuri naman ng host na si Kris Aquino ang magandang attitude ni Jane at aabangan daw niya ang pagkikita ni Jeron at Jane.